Quantcast
Channel: Kultura – Pinoy Weekly
Viewing all 164 articles
Browse latest View live

Katotohanan sa Katsuri

$
0
0

Kapano-panood ang Katsuri. Nagsisimula ang palabas sa himig ng isang gitarang sumusunod sa matamis na areglo ng “Ili-ili,” isang heleng Ilonggo. Sa pagtatapos nito, biglang katahimakan na nagbabadya ng bagyo.

Halaw sa Of Mice and Men, nobela ni John Steinbeck, dinadala tayo ng likhang panteatro ni Bibeth Orteza sa kaguluhan ng mga puso’t isip nagtutunggali upang pilit maalpasan ang pagkaalipin na pumipigil sa paglaya at pagtupad ng mga pangarap.

Pinapakita ng pagsulat ni Orteza at sa pangangasiwa ni direk Carlitos Siguion-Reyna—liban sa nanggagalit na pamimilosopo—na pulitikal ang personal.

Sa kuwentong migrante ni Steinbeck, dadalhin si George at Lennie (Toto rito) sa isang asyenda sa Negros. Doon, patung-patong na pang-aalipin ang tutulak sa kasuklam-suklam pero makabubuhay na gawain; nakadepende ang kaligtasan sa pagpapapasan sa mas nakababa pang mortal o panggugulpi sa mga tagapagdala ng nakaabalang katotohanan.

Sa kabila ng karahasan, may kamusmusang namamalagi.

Hindi iiwan ng matalas mag-isip na si George ang dambuhalang si Lennie, isang nag-aastang bata na hindi nakakapagpigil ng kilos. Ginagamit pa nga ni Payat na tagapagprotekta ng sakada ang kakaunting mayroon siya para depensahan ang mas bulnerableng mga miyembro ng komunidad.

Di matapatan ng pait sa puso ni Nognog, dala ng pagiging pinakamaliit sa mga kadusta-dusta, ang imahe ng Paraiso ni Lennie. Natagpuan naman ni Tatang sa dalawang bagong dating sa sakada ang pamilyang noon pa hinahanap-hanap.

Angat ang mga idinagdag na detalye ni Orteza, tulad ng eksenang tumatanaw sa pinaslang na makamasang abogado na si Benjamin Ramos. Ang pangalang Toto naman ay galing kay Toto Patigas, konsehal ng Bayan Muna sa Escalante at tagapayo sana sa dula kung hindi pinaslang ng di pa nakikilalang salarin.

Lumikha rin siya ng matatapang na babaing karakter na halos wala sa orihinal na kuwento ni Steinbeck. Si Inday, ang mag-uudyok sa trahedya, ay hindi na lang pulpol na isteryotipo (hindi na nag-abala pa ang orihinal na awtor na tumanggap ng Nobel Prize for Literature na bigyan ng pangalan ang karakter na simbolo lang ng panganib).

Pirmi mang bahagi ng social-realist genre ang dula, may gaan ang kwento sa pagkakalikha ni Orteza. Dito niya pinapakita ang kakayahan ng pinong pagpapakatwa na pagtagpuin ang iba’t ibang mukha ng pagkapanatiko at pagkiling.

Nagsisilbing liwanag sa dilim ang mga linyang maaaring isantabi; sa tono ng paawit na Ilonggo, nabubuo ang pang-araw-araw na buhay ng mga karakter at siya na ngang bumibighani sa manonood na kahit pa alam na ang kahihinatnan ng kuwento, hindi pa rin maiiwasang mahatak sa lubid ng trahedya.

Muli namang pinapatunayan ni Carlitos ang kanyang kakayahan bilang aktor sa unang dula para sa Tanghalang Pilipino, ang kompanyang panteatro ng Cultural Center of the Philippines.

Mahusay ang pagtatanghal ng lahat ng karakter: Hindi nakababagot na kontrabida ang Boss ni Michael Williams, sa unang TP role matapos ang halos tatlong dekada ng pagtatanghal ng mga musical at dula sa Ingles. Si Fitz Bana bilang Curley ang may karakter na pinakamalapit sa karikatura; hindi na yata iyon maiiwasan. Si Annette Go naman bilang Inday, asawa ni Fitz, ay hindi lang basta hampaslupa. Sa huling mahiwagang pag-uusap nila ni Lennie, dinala ang mga manonood sa lugar ng pagkabulnerable.

Sa mga mata naman ni Ybes Bagadiong nag-uumapaw at nagtutunggali ang pag-asa, takot, at galit ng isang taong maraming beses na nabigo. Liwanag ni Lennie ang tumutulong sa kanyang gumising mula sa galit na paghimbing.

Tama naman ang timpla ng pangungutya at pagkahabag ng matapang na si Carling, ginagampanan ni Lhorvie Nuevo, habang iniladlad niya ang nakapanghahatak na tawag ng kamatayan. Inilathala naman ni Nanding Josef ang karakter ni Tatang nang may mapagpigil na postura pero hindi nawawalan ng uhaw para sa isang dakilang pakikipagsapalaran at paglalakbay.

Sa tamang tiyempo naman ng pagpapakatwa ni Marco Viaña lalong tumitingkad ang kaibahan ng maalab niyang pag-ibig kay Lennie at pagkabagabag ng isang tagapagtanggol na gising sa masalimuot na realidad na hindi laging umaayon sa mga plano at pangarap.

Si JV Ibasate naman bilang Payat ang mamang nagpupumilit kumapit sa katinuan habang humahampas ang mainit na hangin ng tiempo muerto (patay na panahon para sa sugarlandia, walang ibang magagawa kung hindi manalangin para sa ulan) at nagdadala ng tigkiriwi, ang sakit sa katawan, kasukasuhan, at kaisipan na sumasabay sa matinding kagutuman.

May isang maikling eksena sa pagitan ni Viaña at Ibasate na hindi ako iiwan ilang oras makalipas ang dula. Sa pagkahubad ng palalong pag-asa at paglisan sa bisig ng pangangatwiran, walang sinayang na oras ang dalawang lalaki sa pagtanggap ng kanilang kapalaran. Kita sa mukha nila, habang lumilisan ang pighati para palitan ng kahungkagan, ang mapa ng isang bangungot na hindi sila iiwan habambuhay.

Pero nakasandig ang dula sa malalapad na balikat ni Jonathan “Tad” Tadioan, siyang hindi pumapayag na magpatihulog sa kalungkutan si Lennie o maaliw ang manunuod sa paglait na madalas nagbabalat-pakikiramay. Ibang lebel ng sining teknikal sa napakapisikal na pagtatanghal na ito. Mayroong kariktan sa bawat pagkilos ni Tadioan, sa gitna man ng tutok na pakikipagtalastasan ni Lennie na hindi masabayan ng pag-iisip ni George, o sa tuwing ang walang kamalay-malay niyang pag-ibig at biglaang pagkilos ang siyang nag-uudyok sa kanyang pamiminsala.

(Sinalin mula sa Ingles ni Jobelle Adan)

Maaaring mapanood ang Katsuri hanggang Oktubre 27 sa CCP Tanghalang Huseng Batute.


Makata para sa bayan

$
0
0

Ang mga tula ni Benito Concio Quilloy ay isang malaking kontribusyon sa mga tulang nilikha sa loob ng bilangguan sa tradisyon ng “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.

Ang malupit na mga kondisyon ng bilangguan ay nagpalakas ng rebolusyonaryong paninindigan ng bilanggong pulitikal. Kanyang minimithi, hindi lang ang sariling paglaya kundi ang paglaya ng mga mamamayan, lalo na ang pinagsasamantalahang anakpawis na bilanggo ng isang sistemang malakolonyal at malapiyudal.

Ang salit-salit na pagdagsa ng mga kaisipan at damdamin at ang pagtuyot ng pagkainip ay nagtutulak sa rebolusyonaryong bilanggong pulitikal na sumulat ng mga tula. Ito’y para mapanatili niya ang katinuan at igiit ang kanyang kalayaan, ang kanyang malikhaing papel at ang kanyang relasyon hindi lang sa pamilya at mga kaibigan kundi pati sa mga mamamayang sinumpaan niyang paglingkuran.

Nagtagumpay si Quilloy na maging isang makata mula sa pagiging isang siyentipiko, teknologong agrikultural at manggagawa para sa pag-unlad ng komunidad. Siya ang lumikha ng mga tula batay sa kanyang sariling karanasan at karanasan ng mga mamamayan, kanilang mga pangangailangan, mga hinihingi at hangarin upang mapangibabawan ang malupit na mga kundisyon ng pagkabilanggo.

Sa pagsulat ng pagsusuring ito, natukso akong piliin kung ano ang itinuturing kong pinakamahusay na lima o 10 tula batay sa tuntunin ng tema at estilo ng tulain. Pero mas ginusto kong magkaroon ng pangkalahatang pananaw na ang lahat ng kanyang mga tula ay binayaran ng matinding pagkabilanggo at karapat-dapat ng seryosong pagbasa at bawat isa ay nararapat basahin, pahalagahan at suriin ng bawat mambabasa.

Ang mga tula ay natatangi dahil dinadala nila ang mga usaping taguyod ng programa ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Sa iba’t ibang tula, makikilala ng mambabasa ang siyentipikong kaalaman ng may-akda, ang pagkamalapit niya sa mga manggagawang bukid at magsasaka at ang hinagpis ng pagkawalay sa mga minamahal. Karamihan ng mga tula ay makakapasa sa pagsiyasat ng pampanitikang kritisismo at maaaring pahalagahan bilang mahusay na mga kathang sining.

Sina Ben (gitna) at Rita (kanan), noong binisita ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate noong nakaraang taon. Ginunita ng mga tagasuporta nila ang ikalawang taon ng di-makatarungang pagkakakulong ng dalawa, nitong Oktubre 19. <b>Kontribusyon</b>

Sina Ben (gitna) at Rita (kanan), noong binisita ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate noong nakaraang taon. Ginunita ng mga tagasuporta nila ang ikalawang taon ng di-makatarungang pagkakakulong ng dalawa, nitong Oktubre 19. Kontribusyon

Aking ipinagmamalaki na kasama ako nina Quilloy at iba pang mga makatang inudyukan ng pagkabilanggo na sumulat ng mga tula, hindi lang upang igiit ang kanilang kalayaan at pagkamalikhain, ngunit mas higit pa upang patuloy na paglingkuran ang mga mamamayan sa kanilang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, demokrasya, panlipunang katarungan, ekonomiya at kultural na pag-unlad at makatarungang kapayapaan.

Nawa’y maging isang obhetibong katotohanan ang subhetibong kalayaan ni Quilloy sa pamamagitan ng kanyang aktuwal na paglaya mula sa bilangguan. Gawa-gawa ang kaso laban sa kanya batay sa lantarang mga kasinungalingan, itinanim na ebidensiya at mga huwad na saksi. Nawa’y makamit niya ang kalayaan upang patuloy siyang maglingkod bilang isang manggagawa para sa kaunlaran at sumulat ng mga tula sa paglilingkod sa bayan.

Take the power back!

$
0
0

Lumikha ng ingay sa internet, sa pamamagitan ng social media sites, kamakailan ang balitang may reunion shows ang Rage Against The Machine sa 2020. Malaking balita ito para sa industriya ng musika dahil matapos ang diumano’y final show sa L.A. Rising Festival sa Los Angeles, California noong 2011, tutugtog muli ang isa sa mga pinakasikat na modern rock group na nagkamit ng malaking mainstream success habang dinadala ang maka-kaliwang pampulitikang paninindigan ng banda.

Nagsimula ang usap-usapan ng reunion nina Zach Dela Rocha (boses), Tom Morello (gitara), Tim Commerford (bass) at Brad Wilk (drums) bilang RATM nang lumabas noong Nobyembre 2 ang isang post sa Instagram, ng account na rageagainstthemachine, ng isang imahe ng malaking kilos protesta sa Chile kasama ang caption na nagsasaad ng tour dates diumano sa 2020. Batay sa nasabing post, tutugtog ang grupo sa piling mga petsa sa pagitan ng Marso hanggang Abril 2020 sa Texas, New Mexico, Arizona at maging sa Coachella festival sa California. Mabilis naman kinumpirma ni Wayne Kamemoto, isang malapit na kakilala ng RATM, sa media outfits ang nasabing reunion tour at kalauna’y inanunsyo din sa opisyal na Twitter account (@RATM) ng nasabing grupo. Ito na ang ikalawang beses na maglulunsad ng reunion ng RATM mula nang umalis sa grupo si Zack taong 2000 at nang huli silang tumugtog noong 2011.

Halo-halo ang reaksyon sa nasabing reunion ng grupo – marami ang natuwa at nasabik pero siyempre, mayroon din mga skeptical at mga tumuligsa.

Isa sa ispekulasyon sa kung ano’ng dahilan ng reunion ng RATM ang nalalapit na eleksyon sa Estados Unidos sa 2020 upang labanan at hadlangan ang re-election bilang presidente ni Donald Trump at iba pang alipores nitong nagtataguyod ng rasismo, pasismo at iba pang kontra-mamamayang polisiya.

May ilang tumutuligsa sa pagtugtog ng RATM sa dalawang petsa ng Coachella sa 2020 na anila’y taliwas sa mga isinusulong at ipinaglalaban ng grupo. Subsidyaryo ang Goldenvoice (organisador ng Caoachella) ng AEG Presents na nasa ilalim ng Anschutz Group of Companies na pag-aari ni Philip Anschutz. Si Anschutz ay isang kilalang far-right at konserbatibong kristyano na nagdonate ng miyong dolyar sa kampanya ng mga pulitikong Republican at hate groups na may adbokasiyang pagtatatwa sa climate change at pagkontra sa LGBTQIA+. Ngunit hindi ito ang una kundi ikatlong beses, kung sakali, na tutugtog ang grupo sa Coachella. Ayon pa sa iba, pera na lang ang habol ng grupo kaya ito maglulunsad ng reunion shows.

Hindi dapat kalimutan na ang naging gawi ng RATM na tumutugtog sa Coachella at sa mga kahalintulad na malalaking konsiyerto o festival at pagpasok sa malalaking record label tulad ng Epic Records at Sony Music ay upang gamitin ang mga rekurso at network ng mga ito upang maabot ng mensahe ng kanilang mga kanta ang mas malawak na audience. Ayon nga sa Facebook post ng Hate5Six.com, isang prominenteng US-based dokumentador ng underground na eksena, “hina-highjack nila (RATM) ang stage at bawat cellphone na nakatutok sa kanila para ipalaganap ang isang targeted na mensahe na nakatuon sa mismong mga tao na kailangan iyon marinig, katulad ng kung paano nila na-highjack ang radyo at MTV para abutin ako sa aming bahay.”

Bukod sa aktuwal na paglahok ng mga miyembro ng grupo sa mga social movements kaugnay ng kanilang mga advocacy, sinusuportahan din ng grupo sa pamamagitan ng pagdodonate ng bahagi, kung hindi man ang signipikanteng bahagi o buo, ng kanilang kinikita sa mga konsiyerto at record sales sa mga sinusuportahan nilang mga indibidwal at organisasyon o cause ng Zapatista Army of National Liberation o EZLN sa Mexico at mga unyon o iba pang organisasyong nagsusulong ng karapatan at kagalingan ng mga manggagawa, migrante at iba pang inaaping mamamayan.

Balido pa rin ang pangalang Rage Against The Machine at ang lyrics ng mga kanta nito sa kasalukuyang panahon. Naririyan pa rin ang kinaiinugang sirkumstansya nang magsimula ang grupo noong 1991 hanggang sa nagdisband noong 2000, at nang unang reunion noong 2007-2011 – pananalasa ng neoliberalismo, mga imperyalistang gera at redibisyon ng mga teritoryo sa mundo, cold war at pagguho ng mga rebisyunistang rehimen sa Unyong Sobyet, global financial and economic crisis at iba pang senyales ng terminal stage ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo. Ngunit mas mainam kung lilikha ng materyal para sa bagong album ang grupo para maging napapanahon din ang lyrics at ‘di manatiling ang mga ito bilang islogan at retorika lang.

Kakatwa ang pananabik at pagsali sa bandwagon ng mga Pilipino, maging ang mga hardcore DDS,  sa balita ng RATM reunion. Kanya-kanya sila ng pagsasambit ng kanilang mga paboritong kanta at mga  linya sa mga kanta ng grupo ngunit tahimik naman sa kawalan ng  hustisyang panlipunan, pagsasamantala ng iilang naghaharing uri sa mamamayan – mga mismong bagay na pinapatungkulan ng mga kanta ng RATM – na nagaganap sa bansa sa kamay ni Duterte at sa iba pang nagdaang rehimen. Ayon nga kay Jerros Dolino, drummer ng Lady I, Megumi Acorda, The Axel Pinpin Propaganda Machine at marami pang banda, sa kanyang Facebook post na umani ng 446 likes at 532 shares, “Galit ka sa mga activist at rallyists pero tuwang-tuwa ka ngayon na nag reunion ang RATM. Do you really understand what the band is about?”

Interesante kung ano ang magiging impact ng pagbalik ng RATM para mapukaw, kung hindi man mapakilos, ang mga luma at bagong tagapakinig ng kanilang musika para hamunin ang naghahari at mapagsamantalang sistema na kung saan nakasentro sa 1% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig ang malaking bahagi ng kayamanan habang ang malaking bahagi ang lugmok sa gutom at kahirapan.

Mainam at napapanahon ang reunion ng RATM sa konteksto ng pagtalas ng tunggalian sa loob ng US at sa iba pang mauunlad na bansa at ang papalakas na kilusang masa sa iba’t-ibang bansa laban sa rasismo, pasismo, kagutuman at kahirapan. Ika nga sa kanilang kantang Guerrilla Radio: “It has to start somewhere/It has to start sometime/What better place than here?/What better time than now?”

Dugo at lagim sa likod ng fast fashion

$
0
0

Fast fashion. Pamilyar na pangalan ito para sa lahat ng tagasubaybay ng mga pinakahuling uso sa fashion ang mga tatak gaya ng Forever21, Cotton On, H&M at Zara. Ngunit sa kabila ng maliliwanag na mga ilaw at hanay ng mga estante sa maaliwalas na mga espasyo ng mga tindahan nito, malagim ang katotohanang nasa likod ng mga kilalang tatak.

Tinuturing na fast fashion ang mabilisan at maramihang pagpoprodyus ng mga mura, mababang kalidad at mabilis mawala sa uso na mga damit.

Sa mga bansang gaya ng US, may malaking pagtangkilik sa mga nabanggit na tatak dahil tinuturing na relatibong mura at abot-kamay ang mga hatid nitong produkto.

Bukod pa rito, mabilis na nakasunod sa pinakahuling uso ang mga tatak. Bagamat “sirain” at hindi gawa sa dekalidad na mga materyales, bagay itong hindi na pinanghihinayangan ng konsyumer na handa rin itong idispatsa oras na masira o mawala sa uso.

Ngunit gaya ng binabanggit ng mamamahayag at British environmentalist na si Lucy Siegle, “Hindi libre ang fast fashion. Sa kabilang panig ng mundo, may nagdurusa kapalit nito.”

Pang-aapi sa ngalan ng fashion

Malalarawan ang pagdurusang binabanggit ni Siegle sa pagguho ng garment factory na Rana Plaza sa Bangladesh noong 2013.

Isang araw bago ang insidente, natagpuan ang malalaking bitak sa naturang gusali. Sa kabila nito, pinag-utos ng may-ari ng pagawaan na bumalik sa trabaho ang mga manggagawa kinabukasan. Nabaon nang buhay ang humigit 1,100 garment workers. Karamihan sa mga ito, kababaihan.

Kalakhan ng mga murang produktong nilalako ng mga fast fashion brands, niluwal ng labis na mapangapi’t mapagsamantalang kondisyon sa loob ng mga pagawaan na tinatayo sa mga mahihirap na bansa gaya ng Bangladesh at Pilipinas.

Mala-alipin ang pagtrato sa mga manggagawa—sistemang pakyawan, kaswal o kontraktwal ang katangian, walang mga benepisyo, lampas 12 oras ang trabaho, walang araw ng pahinga, puwersahan ang overtime na walang kaakibat na overtime pay.

Lubhang mapanganib ang mga kondisyon sa loob ng pagawaan—walang maayos na bentilasyon, nakakasulasok ang amoy ng matatapang at nakakalasong mga kemikal. Walang kahit anong proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa. Karamihan pa sa mga pabrika, mga firetrap at deathtrap.

Pagguho ng bilding ng sweatshops sa Bangladesh noong 2013. (Rijans/Wikimedia Commons)

Ganitong ganito ang nangyari noong 2015 sa Kentex, pabrika ng mga murang tsinelas sa Valenzuela na kinasawi ng 74 manggagawa na nakulong at natupok nang buhay sa loob ng pagawaan.

Malagim ang katotohanang nasa likod ng fast fashion.

Sa kabila ng ningning na hatid ng mga kilalang tatak, hinihiling ang pagiging mas mapanuri at kritikal sa pagtangkilik sa mga produkto’t tatak.

Ngunit higit pa sa mapanuring tindig at kritisismo, hinihiling sa mamimili ang pag-ako at pakikipagkapitbisig sa mga manggagawang nasasadlak sa mapang-api at mala-aliping kalagayan ng paglikha at paggawa.

‘Kriminal ang blangkong mga pader’

$
0
0

“Atin ang Pinas! US-China, layas! -PS”

Isa ito sa mga islogan ng kontrobersiyal na mga graffiti ng Panday Sining sa Lagusnilad, Maynila. Matindi ang naging reaksiyon hinggil dito. Nagalit si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bumwelta ang DDS (Duterte Diehard Supporters) trolls at sinakyan ng netizens sa pag-upak sa mga gumawa.

Maraming punto’t puna sa graffiti na ito – bandalismo ito, hindi ito sining, di nakakapukaw ng masa at marami pang iba.

Matagal nang ginagawa ng mga aktibista ang graffiti, bago pa man lumaganap at sumikat ang street art sa Pilipinas. At dahil mabilis ang pagrerehistro ng mga opinyon sa panahon ng social media, nailulugar ang pag-uusap tungkol dito.

Nakasulat sa pader

Nagmula ang graffiti sa salitang Griyego na graphein na nangagahulugang magsulat, magdrowing o mag-ukit.

Sinaunang panahon pa sa Egypt, Greece at noong may imperyo pa ang Roma, mayroon nang graffiti. Unang ginamit ito noong 1851 na tumutukoy sa mga sinaunang kasulatan sa Pompeii. Sa modernong kasaysayan, naging kakabit ang graffiti ng subkultura ng hip-hop sa Estados Unidos at punk sa United Kingdom at iba pang bansa sa Europa.

Siyempre, may layunin itong makita ng publiko at madalas ay patakas na isinasagawa. Sa ngayon, kinikilala ang graffiti bilang isang porma ng art – tinatawag na street art. Sa mga lipunang kinikilala ang pribadong pag-aari, itinuturing na vandalism (bandalismo) ang graffiti. Kaya may kanya-kanyang bersiyon ng batas laban sa graffiti.

Iba-iba ang layunin ng mga gumagawa ng graffiti – pagpapakita ng self expression, paghahayag ng nararamdaman para sa hinahangaan, pagtukoy ng teritoryo at identidad, pag-atake at pagsikil sa kalaban at siyempre sa pagpoprotesta.

Hindi lang mga aktibista ang gumagawa ng graffiti. Katunayan, normal itong ginagawa ng iba’t ibang tao. Kung maaalala pa ang urban legend sa Maynila na si Natong Buwang na nagsusulat ng “Sto. Niño Win! Nice Win!” sa mga pader ng Rizal Avenue, Recto, España at Welcome Rotunda. Maging ang mga nasa gobyerno’y ginagawa ito para sa red-tagging at paninira sa mga aktibista.

Porma ng protesta

Kakabit ng mga kilusang masa sa mundo ang graffiti. Sa pamamagitan nito, naipaparating ang mensahe sa publiko ang isang takdang panawagan. Para sa mga grupo o taong imbuwelto sa pagpapakilos ng masa, tinitingnan itong isang porma ng pagpapalaganap ng propaganda.

Sa Pilipinas, masasabing ang kilusang masa ang mga pasimuno ng graffiti. Noong 1960s, panahon ng diktadurang Marcos, ginawa ito ng Kabataang Makabayan (KM). Gamit ang red cement, inilunsad ng mga miyembro ng KM ang operation pinta-operation dikit (OP-OD) na nagpapula ng mga panawagan at islogan laban sa diktadura. Nagpatuloy ang paggawa nito kahit matapos ang diktadura ni Marcos.

Ngayon, laganap na ito bilang street art sa Pilipinas. Nakapag-organisa pa ang Anakbayan at Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan o Karatula ng street artists. Taong 2011, inilunsad ng mga grupong ito ang pinakaunang “Graffiesta.” Tinipon nito ang street artists para gumawa ng mga obra na hinggil sa mga isyung panlipunan. Tampok dito sina Hepe, Ang Gerilya, Bryan Barrios, atbp.

Sa ibang bansa, popular na rin ito. Kilala sa larangang ito sina Shepard Fairey, Banksy, atbp.

Papulahin ang sentro

Sa isang banda, sinasabi ng matinding reaksiyon laban sa mga graffiti ng Panday Sining na tumatalab ang propaganda ng naghaharing uri sa masa.

Mas pinahahalagahan dito ang pagiging maganda at malinis ng paligid kahit hindi naiaangat ang kabuhayan ng mga mamamayan. Binabansagang bandalismo ito, imbes na paglimian ang mensahe na isinulat sa Lagusnilad. Ligtas ang mga naghahari dahil madla ang pinagsasabong.

Sa kabilang banda, hindi inaasahang nagpasiklab ito ng diskusyon hinggil sa mensahe na nais nilang iparating. May kasabihan nga, “art must comfort the disturbed and disturb the comfortable.”

Mainam na ito’y palaganapin ng mga progresibong may kakayanang magsagawa nito, para mas malawak ang maabot ng mga panawagan sa madla. Kailangan lang timbangin ang maaaring positibo at negatibong pagtanggap ng masa.

“Kriminal ang blangkong mga pader (blank walls are criminal),” ayon sa obra ni Banksy.

Isa ito sa pinakamahalagang statement ng naturang street artist. Kumbaga, sinasabi nito na hangga’t umiiral ang inhustisya, malaking kasalanan ang hindi magsalita at manatiling blangko ang mga pader.

Sama-samang sining ng alagad ng midya

$
0
0

Una, ang pula.

Ito ang kulay na unang nagbigay buhay sa binuong mural ng mga mamamahayag kasama ang Concerned Artists of the Philippines bandang alas sais y media ng umaga noong Nobyembre 23, 2019, isang dekada makalipas ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao.

Sa simula, alangan ang mga mamamahayag iwan ang kanilang puwesto. Epekto marahil ng paninirahin sa likod ng lente o kasanayan ng kamay humawak ng mikroponong nakatutok sa iba. Ngunit sa araw na iyon, simula nang mangyari ang malagim na pagpatay sa 58 katao (32 dito peryodista) sa Ampatuan, Maguindanao, laging napupunta ang pokus sa mga mamamahayag, sa kanilang danas, at ngayon, sa kanilang sining.

Hindi unang beses lilikha ng sining ang mga mamamahayag bilang pagtugon at patuloy na paghingi ng hustisya para sa Ampatuan masaker. Hindi na nga mabilang ang mga litrato, dokumentaryo, at likhang kuwento na tumatalakay sa masaker. Magaling kasi makapagpaalala ang sining. Kumupas man ang pula ng dugo na dumanak sa Ampatuan, sa patuloy na paglikha ng mga kwento at ng sining nagkakaroon ng pamamalagi ang pula ng paglaban.

“Mahalagang ipagpatuloy ang galit,” ika nga ni Fernando Sepe Jr., tagapamahala ng Photojournalists’ Center of the Philippines.

Sunod ang lilim.

Banayad naman ang itsura ng mga mamamahayag habang patuloy na nagpipinta. Sa piling ng isa’t isa at sa saliw ng kuwentuhan, unti-unting nabuo ang mural. Ipinatong na sa pula ang lilim na magpapakitang may lalim ang imahe. Hindi lang ito basta pintura sa tela, at ang inaalalang pagkamatay, hindi lang numero sa talaan.

Taun-taong napapabalitang isa na naman sa pinakanakamamatay na bansa para sa mga mamamahayag ang Pilipinas. Ilang presidente na rin ang nangako ng pagbabago, ng dagdag na proteksiyon, ng higit na pagkilala sa karapatan mamahayag, makaalam, at makialam.

“Pilit nating ipinaglalaban na demokrasya tayo, pero ang gobyerno walang bahala,” giit ni Nonoy Espina, tagapangulo ng National Union of Journalists of the Philippines. Ang bagal ng pag-usad ng kaso at kawalan ng hustisya ang nagsisilbing lilim at proteksyon ang iba pang nagtangka sa buhay ng mga mamamahayag, at ang iba pang may balak nito.

Kung ang maramihang pagpatay na ginawa habang tirik ang araw ay hindi matugunan, paano na lang ang paisa-isang pag-atake sa dilim?

Pagkatapos, liwanag.

Sa kabila ng ganitong danas, patuloy ang mga mamamahayag sa pagkilos, sa paglikha, sa pagpinta. Bahagi ng mural ang imahe ng mga alagad ng midya kasama ang iba pang sektor. Marahil, mayroong lakas na nakukuha mula sa mga taong dating tinututukan lamang ng kamera at mikropono.

Mayroong lakas sa sama-samang paglikha ng bagong realidad.

Maliwanag at medyo maalinsangan na noong natapos ang mural. Ngunit sa nailatag na plano, unang hakbang pa lamang iyon. Tuloy pa ang mahabang martsa para sa hustisya.

Sining biswal na nagpapakilos

$
0
0

Tunay ngang hindi lang palamuti ang sining. May kakayanan rin itong maging mapangahas, at manghimok. Lalo na sa panahon ng kawalan ng hustisya sa lahat ng aspeto ng pamumuhay – sa pulitika hanggang sa sosyo-ekonomiko – isa itong armas ng mga mamamayan sa pakikibaka.

Anim na obra, tig-tatlo sina Renan Ortiz at Melvin Pollero, ang kasalukuyang naka-display sa Kanto Art Space sa Makati City. Pinamagatang MKBK WG MTKT (daglat ng makibaka huwag matakot), binigyan ng dibuho ng dalawang alagad ng sining-biswal ang kanilang tindig sa kasalukuyang lagay ng mga mamamayang Pilipino.

Hindi na bago ang dalawang alagad ng sining. Regular silang dibuhista ng Pinoy Weekly. Parehas rin silang miyembro ng Tambisan sa Sining, grupong kultural na kilala sa kolektibong paggawa ng mga likhang sining tulad ng mga mural, effigy at iba pang liking-sining para sa mga kilos-protesta.

Gamit ni Renan ang tradisyunal na hagod ng tinta upang mabuo ang kanyang mga dibuho. Dalawa sa kanyang obra ay print copy ng kanyang dibuho na alay sa mga manggagawa. Naging tanyag na ang kanyang End ENDO sa kampanya ng unyonistang manggagawa upang labanan ang kontraktuwalisasyon.

Binigyan naman ng pagpapahalaga ni Melvin Pollero ang karaniwang mga mamamayan. Pinapakita ng tatlo niyang obra ang tatlong kalbaryo ng mga mamamayan – ang tila pagpapabaya sa maralita na nagtatanong kung paano na ang buhay nila sa samu’t saring isyung panlipunan, ang kalbaryo ng mga mamamayan sa mga bayarin, pangunahin ang kuryente, at ang unti-unting pagkawasak ng magandang imahe ng bansa, na isinalarawan ng isang tradisyunal na kababaihang Pilipina, sa gitna ng development aggression.

Mayroong sense of urgency o halaga sa kasalukuyang sitwasyon ang kanilang likhang sining. Bukod sa pinong paggawa, ang kanilang sining ay sining rin ng protesta, na anila’y nagmula pa sa tradisyon ng protestang sining mula pa noong Sigwa ng Unang Kuwarto. Hindi rin lang isang palamuti ang anim na dibuho, kundi panawagan na rin sa pagkilos, isang paalala sa kawastuhan ng protesta, at isang testamento ng kawalan ng takot ng mga aktibista sa gitna ng karahasan sa kanilang hanay.

Sa panahon ng kawalang hustisya at pagpapatahimik sa mga kritiko ng administrasyong Duterte, may puwang pa ang sining hindi lang upang ipakita ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan, ngunit manghimok din ng damdamin ng sambayanan at magpakilos upang labanan ang namumuong tiranya.

FQS@50: Tuloy ang pagkatuto at paglaban

$
0
0

“Ang laban natin ngayon ay upang siguraduhin na hindi tayo makakalimot sa nakaraan,” giit ni Judy Taguiwalo habang inaalala sa Commission on Human Rights nitong Enero 27 ang First Quarter Storm (FQS), isang makasaysayang panahon para sa kilusan ng mga kabataang makabayan, ng kababaihan, at ng iba pang sektor.

Bahagi ng lakbay sa pag-alala ang muling pagtitipon ng ilan sa mga nalalabing miyembro ng FQS kasama ang bagong hanay ng mga aktibista sa harap ng dating building ng Kongreso (ngayo’y Pambansang Museo). Dito idinaos ang makasaysayang protesta noong Enero 26, 1970 na itinapat sa State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos. Isa ito sa maraming larawan ng pag-aalsa noong dekada sitenta.

Marami pang imahe ang FQS: serye ng mga protesta na malayo sa ipinipintang imahe ng “bloodless revolution” laban sa diktadurya ni Marcos (maraming bayolenteng dispersal); lakbay ng pagpapalaya ng bansa mula kay Marcos na sa panahong iyon ay nanalo muli sa eleksyon bilang presidente (maraming pruweba ng dayaan); at malagim na panahong patunay sa matatag na diwa ng aktibismo lalo na ng kabataan (marami sa kanila namartir).

Nakasandig sa mga litrato ng kasaysayan na ito ang tagubilin ng mga naging bahagi ng FQS: ang pagpapatuloy sa pagiging bukas sa pagkatuto na parang estudyante, kahit kalahating siglo na ang nakaraan.

Para sa noo’y estudyante-aktibista na si Bonifacio Ilagan, ang FQS “ay isang malaking paaralan kung saan natutunan [nila] ang tunay na diwa ng paglaban.” Isa si Ilagan sa mga naging detinidong politikal na kabataan at isa naman ang kanyang kapatid na si Lina sa mga hindi na natagpuan pa.

Tinatanaw ni Ilagan ang serye ng mga protesta at ang lumawak na rebolusyonaryong pagkilos bilang pagkakatamo ng pagkatuto na higit pa sa kayang ituro sa loob ng kolehiyo o paaralan.

Kailangan muli palakasin ang ganitong tipo ng pag-aaral, payo ni Taguiwalo sa mga estudyanteng nagbabalak pagserbisyuhan ang bayan.

Tulad sa panahon noon na ibinabandera ang mga linya na sipag at tiyaga ang kailangan upang wakasan ang kahirapan, kailangan rin tuligsain ngayon ang ganitong mapambulag na kultura, paliwanag niya.

Mula sa pekeng litrato na mula sa militar ukol sa pagsuko ng hukbong bayan hanggang sa pagbansag sa mga biktima ng giyera kontra droga bilang mga nanlaban, kaliwa’t kanan ang panghuhuwad na kailangan bantayan ng sambayanan.

Walang mas lalakas pang depensa sa mga kasinungalingan na ito kung hindi ang pakikinig sa linya ng masa, giit ni Taguiwalo. Bilang detinidong politikal noon, na ngayon ay tanglaw ng mas nakababata, paalala niya:

“Hindi lang iyon mga estudyante. Kasama namin ang mga propesor, ang mga kawani. Higit sa lahat kasama namin ang komunidad.”

Ito ang larawan ng paglaban na hindi dapat malimot.


Dagundong ng sigwa

$
0
0

Pebrero 7 sa AS steps, UP Diliman—Halos buong gabing hindi humupa ang ulan. Minsan tikatik o ambon, kung minsa’y mas malakas na buhos. Ngunit kasabay nito, buong gabi ring hindi rin umalis ang mga tao sa kani-kanilang puwesto. Marami sa kanila, mayroon nang mga tungkod at may iniindang rayuma. Pero higit na marami rin ang kabataan at estudyanteng pilit na dinurungaw ang mga ulo sa kabila ng mga dagat ng mga payong.

Halos hindi numipis ang hanay ng mga manonood. Lahat, matamang sinasaksihan ang bawat pagtatanghal sa ginaganap na konsiyertong bayan.

Gabi itong inialay para sa paggunita ng ika-50 taon ng makasaysayang Sigwa ng Unang Kuwarto o mas kilala bilang First Quarter Storm (FQS) ng 1970— serye ng mga pagkilos at demonstrasyon laban sa rehimen ni Ferdinand Marcos na pinangunahan ng kabataan at estudyante.

Maging ang manunulat (Bonifacio Ilagan) at direktor (Chris Millado) ng konsiyerto ay hindi na iba sa mundo ng demontrasyon at protesta. Beterano ng FQS si Ilagan at sa katunaya’y nagsilbi bilang dating tagapangulo ng Kabataang Makabayan, organisasyong nanguna sa mga pagkilos noong Sigwa. Samantala, beterano naman ng Peryante si Millado na kilalang grupo na nagtatanghal ng mga dulang protesta noong panahon ng batas militar.

Sa harap ng chorale at orchestra, taas-kamao ang direktor na si Chris Millado, aktres na si Monique Wilson, at iba pa. <b>Lito Ocampo</b>

Sa harap ng chorale at orchestra, taas-kamao ang direktor na si Chris Millado, aktres na si Monique Wilson, at iba pa. Lito Ocampo

Sa harap ng AS steps hinanay ang set-up ng mga musikero’t mang-aawit para sa gabi. Sa kumpas ni Maestro Chino Toledo, tampok sa gabing iyon ang UP Symphony Orchestra, UP Singing Ambassadors, UP Staff Chorale at UAIT Vocal Chamber Ensemble. Samantala, sa tarangkahan ng gusali, bumungad sa harapan ang art installation ng visual artist na si Toym Imao.

Pinamagatang “Nagbabadyang Unos”, sumasalubong sa lahat ng pumapasok sa gusali ang sala-salansan at pinagpatong patong na upuang ginamit bilang barikada—pananda at paalala sa militansiya’t paglaban ng mga estudyante noong sigwa ng 1970. Ang bahaging ito ng AS steps ang siya ring nagsilbing ikalawang entablado ng mga artistang mandudula at mananayaw.

Makabuluhan ang pagbubukas ng mga batang tinig ng UP Cherubim at Seraphim sa Italyanong kantang protesta na “Bella Ciao”, paalala sa nagpapatuloy na papel ng kabataan sa laban para sa isang mas maalwang kinabukasan at isang lipunang tunay na malaya. Samantala, nakakaantig ang rendisyon ni Rody Vera sa medley ng mga kantang “Ang Masa”, “Linyang Masa” at “Makibaka Huwag Matakot” na muling nagpaalala sa nag-aalab na paniniwala’t paninidigan na sinimulan ng FQS. Bago matapos ang gabi, habang nakatakip ng pulang bandana ang kalahati ng mukha nito, haharanahin ng biyolinistang si Janine Samaniego ang mga manonood ng kantang “Internationale”. Matapos nito, sa gitna ng entablado, binigkas ni Bonifacio Ilagan ang marahil ay pinakamahalagang mga salita ng buong gabi: “Tuloy ang pakikibaka hangga’t hindi natin naitatanghal ang isang lipunang tunay na masagana at sakdal laya para sa anakpawis at higit na nakararami.”

Ipapasa niya ang tangang bandila ng Kabataang Makabayaan sa mas batang kasama, mahigpit itong yayakapin. Sasaklubin ng pulang tela ang buong entablado’t lahat ng manonood, signos ng paparating na sigwang hatid ng sambayanan.

Himigsikan para sa Unang Sigwa

$
0
0

Isang gabi ng konsiyerto, labing-isang pagtatanghal bilang paggunita sa ika-50 taon ng Sigwa ng Unang Kuwarto (First Quarter Storm) ng 1970. Ito ang namalas ng mga dumalo sa Himigsikan, isang konsiyerto at paglulunsad ng “Unang Sigwa: Mga Piling Kanta mula Dekada Sitenta” noong Pebrero 23. Isinagawa ang konsiyerto sa Carillon Plaza sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman na isa sa mga makasaysayang lugar na pinagsimulan ng kilusang estudyante sa bansa.

Chickoy Pura (Cindy Aquino)

Kulminasyon ang Himigsikan ng mahigit isang taon na pagbubuo ng “Unang Sigwa”. Labin-dalawang progresibong artista o banda ang kalahok sa naturang album na nagrekord, sa kanilang sariling bersiyon, ang piling kanta na naging tanyag noong dekada sitenta.

Village Idiots (Cindy Aquino)

Pinangunahan nina Jesus “Koyang Jess” Santiago at Bonifacio Ilagan, kapwa kilalang makabayang artista at beterano ng FQS, ang proyekto ng Surian ng Sining (SUSI) na kanilang kinabibilangan ngayon.

Maagang nagsimula ang konsiyerto. Alas kuwatro y medya ng hapon, inihudyat na sa pamamagitan ng isang voice-over ang pag-uumpisa ng aktibidad. Unang sumampa sa entablado si Koyang Jess, tumayong tagapagpadaloy ng programa, na nagbukas ng pormal sa konsiyerto at binati ang mga dumalo na karamiha’y aktibista ng dekada sitenta at naging bahagi ng FQS.

General Strike (Cindy Aquino)

Tatlong kanta lang ang itinanghal ng kada artista o banda na naging kalahok. Huli sa kanilang repertoire ang piyesang inirekord nila para sa album.

Una sa mga nagtanghal ang Village Idiots. Bukod sa orihinal nilang kantang “Tumba” at “Ingay”, tinugtog ng grupo ang kanilang rendisyon ng “Gumising Ka, Kabataan” na kagyat bumuhay sa diwa ng mga manonood.

DKK Salidummay (Cindy Aquino)

Musikang Bayan (Cindy Aquino)

Tubaw Music Collective (Cindy Aquino)

Pasada (Cindy Aquino)

Sumunod naman ang regular na mga nagtatanghal sa mga aktibidad ng progresibong mga organisasyon tulad ng Pasada na kinanta ang “Manggagawa at Magbubukid”, “Magsimula ng Pag-aaral” ang sa Musikang Bayan, at “Sa Entero Kapudpudan” naman ang sa Tubaw Music Collective. Dumayo rin mula pa Kordilyera ang Salidummay upang itanghal ang “Istorya ng Kordilyera” at iba pa sa kanilang orihinal na mga kanta. Samantala, inilapat naman ng General Strike sa estilong blues ang kantang “Mendiola”.

Bobby Balingit (Cindy Aquino)

Ikinagalak din ng mga manonood ang pagkakabilang ng prominenteng mga mangangantang sina Chickoy Pura (The Jerks) at Bobby Balingit (Wuds, Juan Isip) sa nasabing konsiyerto. Kinanta ni Chickoy ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na tula ni Gat Andres Bonifacio samantalang “Araw na Lubhang Mapanglaw” naman ang kay Bobby.

 

Cabring Cabrera kasama si Bopip Paraguya ng Color It Red (Kaliwa) at Jomal Linao ng Kamikazee (Kanan) sa pagtatanghal ng Datu’s Tribe (Cindy Aquino)

Pinaingay naman ng The Exsenadors at Datu’s Tribe ang gabi sa kanilang pagtatanghal. Tinugtog ng The Exsenadors sa rendisyong punk ang “Sumulong Ka, Anakpawis” habang kinanta ng Datu’s Tribe, sa kanilang trademark na estilo, ang “Pagbabalikwas”.

Naging finale ng konsiyerto ang pagtatanghal ng Tropang Usig, na kinabibilangan ni Koyang Jess at Ka Boni, sa kantang “Ang Masa” na sinabayan maging ng mga manonood.

The Exsenadors (JL Burgos)

Sa pagitan ng mga pagtatanghal, idinidiin ng tagapagpadaloy ng programa ang halaga ng musika at sining sa pagpapatampok ng pakikibaka ng mga mamamayan tulad ng naging papel ng mga ito noong FQS ng dekada sitenta. Nagpahayag naman si Lisa Ito ng Concerned Artists of the Philippines kaugnay ng kampanyang #ArtistsFightBack na naglalayong himukin ang mga artista sa iba’t ibang larangan para labanan ang diktadura ni Pangulong Duterte.

 

Tropang Usig (Cindy Aquino)

Dinaluhan ang aktibidad ng may 300 manonood mula sa mga aktibista noong 1970 at maging ng mga nagmula sa bagong henerasyon. Para sa kanila, patuloy na pinaglalagablab ng Himigsikan at ng album na Unang Sigwa ang diwa at adhikain na pinagningas ng FQS noong 1970. Nananatiling makabuluhan ang mga aral ng FQS hanggang ngayon – ang paglaban sa diktadura noong panahon ni Marcos at sa kasalukuyang panahon ng rehimeng Duterte at ang paghahangad ng tunay na panlipunang pagbabago sa pamamagitan ng pagkakamit ng pambansang demokrasya at tunay na kalayaan.

 

Unang Sigwa CD. Halagang P300 sa The Bookshop, University Hotel, UP Diliman.

Inilunsad ang Himigsikan sa pangunguna ng UP Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) sa pakikipagtulungan sa Surian ng Sining (SUSI). Pinangunahan naman ng SUSI ang paglalabas “Unang Sigwa” sa pakikipagtulungan sa First Quarter Storm Movement at Concerned Artists in the Philippines.

Maaaring bumili ng CD ng Unang Sigwa sa SUSI sa halagang P300. Para sa mga karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa kanila sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

Nakikibakang Punks

$
0
0

Mahaba-haba na rin ang inabot ng CrazyDon’t Collective, isang grupo ng mga punk na tumitindig para sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng grupo ang kanilang ika-15 taong anibersaryo. Sa temang “15 years of music for social change” inilunsad ng CrazyDon’t Collective ang isang tugtugan noong Pebrero 8 sa isang bar sa Baliuag, Bulacan.

Standby (Kuha ni Cindy Aquino)

Moss Trooper, itinanghal ang kanilang rendisyon ng “Rebel Girl” na orihinal ng Bikini Kill (Cindy Aquino)

Steady Movin’ Beat (Cindy Aquino)

Sa naturang tugtugan, nagtanghal ang mga banda mula sa iba’t ibang panig ng Luzon. Kasama sa mga ito ang Bad Omen, Steady Movin’ Beat, The Exsenadors mula sa Kalakhang Maynila; Bastion of Resistance, Suwail, Jacked Posse, Moss Trooper at A New Red Now mula sa Pampanga; at Sandy Good na nagmula pa ng Batangas. Siyempre, tumugtog din ang mga taga-Bulacan tulad ng Pulikats, Standby at Malolos Death Squadron.

Isa sa mga crowd-favorite ng gabing iyon: Bad Omen (Sheng Dytioco)

The Exsenadors (Cindy Aquino)

Tinuligsa ng Pulikats ang pandarambong sa loob ng gobyerno sa kanilang kantang “Corruption” (Cindy Aquino)

Alvin Alma Jose, isa sa mga tagapagtatag ng CrazyDon’t Collective (Sheng Ocampo)

Ilang beses na umalingawngaw sa pagtatanghal ng ilang mga banda ang pagtuligsa sa korupsyon sa gobyerno lalo na sa  kasalukuyang administrasyon, pagpuna sa pekeng giyera kontra droga at maging ang panawagan sa pagpapatalsik kay pangulong Duterte.

Sa pagitan ng mga pagtatanghal, itinatalakay ng mga tagapagsalita ng CrazyDon’t Collective ng kahalagahan ng  punk bilang sandata laban sa umiiral na mapang-aping sistema ng lipunan.

Kolektibo ng mga punk

Nagsimula ang CrazyDon’t sa Baliuag, Bulacan. Binuo ito ng mga kabataang may hilig sa skateboard at musikang punk. Sa paglao’y na-organisa ang mga miyembro nito sa mga progresibong organisasyon hanggang naging mga lider ang iba sa mga ito. Ang mga elementong ito ang naging pundasyon ng prinsipyo at layunin na tinitindigan magpahanggang ngayon ng CrazyDon’t Collective.

“Sa loob ng 15 taon, nalagpasan na nito ang dalawang rehimen at patuloy na isinasanib ang kolektibo sa kilusang masa na nakikibaka sa kasalukuyang pasistang rehimen,” ani Gian Mariano, isa sa mga tagapagtatag ng CrazyDon’t Collective.

Malolos Death Squadron (Sheng Dytioco)

Napasayaw ang crowd sa mga pamilyar na ska-punk anthems ng Jacked Posse (Cindy Aquino)

Isa ang naturang grupo sa mga kinikilala sa eksenang punk sa probinsiya na naglulunsad ng mga tugtugan at aktibong lumalahok sa mga pagkilos para sa panlipunang pagbabago. Bukod sa tugtugan, abala din ito sa iba pang porma ng pagpapalaganap ng progresibong ideya tulad ng paggawa ng mga kanta, paglabas ng CrazyDon’t Zine (na nasa ikalimang isyu na), mga talakayan sa kapwa-punk o kabataan at iba pang porma.

Tinalakay ni Gian Mariano, isa rin sa tagapagtatag ng CrazyDon’t at tapagpadaloy ng aktibidad, ang papel ng musikang punk para sa pakikibaka para sa panlipunang pagbabago (Sheng Dytioco)

“Sa susunod na 15 taon, ang kolektibo ay patuloy na lilikha ng mga progresibong kanta at musika sa pamamagitan ng mga banda sa ilalim ng kolektibo, maglunsad ng mga talakayan at music forum para pataasin ang kamulatan ng mga punk at non-punk music scene attenders lalo na ang mga kabataan, suportahan ang pakikibaka ng mamamayan para sa kanilang pang ekonomyang kahilingan at kagalingan at para sa pagtataguyod ng kanilang pampulitikang karapatan, at lumahok sa mga pagkilos ng mamamayan,” saad pa ni Mariano.

Kaisa sa kilusang talsik

Nagmula din sa hanay ng CrazyDon’t ang ilang mga banda tulad ng Anti-Suck System, New Fighting Task, Nerves Crayola naging aktibo sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong at iba pang progresibong ideya sa eksenang punk, hindi lang sa Bulacan kundi maging sa ibang panig ng bansa.

Malakas at maingay na tinapos ng Sandy Good ang gabi ng tugtugan (Cindy Aquino)

Nang tanungin kung ano ang mga plano para sa natitirang panahon ng rehimeng Duterte, ito ang kanilang sagot: “Kasama ang Crazydon’t Collective sa panawagan at pagkilos para patalsikin si Duterte at singilin sa kanyang mga kriminal na pananagutan sa mga mamamayan.”

Malayang talakayan para sa malayang pamamahayag

$
0
0

Mala-batas militar na pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag, press freedom at civil liberties sa ilalim ng rehimeng Duterte ang naging batayan ng mga artista, manunulat, media practitioners at iba pa para ilunsad ang isang porum na pinamagatang “Malaya” na inorganisa ng Concerned Artists of the Philippines (CAP), Altermidya – People’s Alternative Media Network, Defend Jobs Philippines, Active Vista, Movement Against Tyranny, Youth Act Now Against Tyranny, College Editors Guild of the Philippines, Kadamay, Dakila at Kabataan Party-list.

Direk Joel Lamangan (Kuha ni Peter Joseph Dytioco)

Rep. Sarah Elago, Kabataan Partylist (Peter Joseph Dytioco)

Bonifacio Ilagan (Peter Joseph Dytioco)

Inilunsad ang naturang porum noong Marso 7 sa Cine Adarna, Film Center, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Quezon City. Tinalakay dito ang mga kaso ng censorship at red-tagging sa filmmakers, mga institusyon, at mga paaralan; paglabag sa karapatang pantao ng mga mismong tagapagtanggol nito, pagsupil sa media, mainstream man o alternative press, tulad ng banta ng pagpapasara sa ABS-CBN; at ang pagratsada ng amyenda ng Anti-Terrorism Law sa Kongreso.

Binuksan ni Prop. Neil Doloricon, tagapangulo ng CAP at guro sa UP College of Fine Arts, ang talakayan para sa may dalawang daang dumalo. Bago tumungo sa mayor na bahagi ng aktibidad, magkasunod na nag-alay ng awit ang miyembro ng CAP na si Jess Gabon at si Bayang Barrios.

Tinalakay ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang nararanasang red-tagging ng kaniyang organisasyon na nagpasimula ng bahagi ng programa para sa testimonya ng mga sektor. Nagsalita rin sina Thaddeus Ifurung ng Defend Jobs Philippines, Gert Ranjo-Libang ng Gabriela, Eufemia “Ka Mimi” Doringo ng Kadamay, Christine Gudoy ng Pepmaco Worker’s Union. Hindi man nakadalo sa naturang aktibidad, nagbigay pa rin ng testimonya, sa anyong video message si Bibeth Orteza, kilalang script writer at artista. Nanawagan naman si Mae Paner o mas kilala bilang Juana Change na maging mapangahas at maging mapanlikha sa sitwasyon na sinisikil ng gobyerno ang kalayaan sa pamamahayag.

Anne Krueger (Peter Joseph V. Dytioco)

Pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang testimonya mula sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Altermidya at UP Solidaridad. Emosyonal na ibinahagi ni Dabet Panelo, pangkalahatang kalihim ng NUJP, ang hinaing ng mga kapwa niya empleyado sa banta ng hindi pagbibigay ng franchise-renewal sa ABS-CBN. “Masama bang maging community journalist na nag-uulat ng tunay na kalagayan sa Negros?” tanong ni Anne Kreuger ng Paghimutad at Altermidya, na ilegal na inaresto ng Estado bunsod ng tanim-ebidensiya ng mga elemento ng PNP, noong Oktubre 2019. Tinuligsa naman ni Marvin Ang, tagapangulo ng Solidaridad, alyansa ng mga pahayagang pangkampus sa UP system, ang red-tagging at pagturing na terorista sa mga mamamahayag sa kampus tulad ni Frenchie Mae Cumpio, dating editor-in-chief ng UP Vista, pahayagan ng UP Tacloban at correspondent ng Eastern Vista hanggang siya ay arestuhin nitong Pebrero sa ikalawang serye ng crackdown sa mga kritiko ng gobyerno.

Chickoy Pura (Peter Joseph V. Dytioco)

Samantala, inahayag naman nina Dom Balmes (Dakila at Active Vista) at Al Omaga (Panday Sining) ang pagkukulong ng kanilang mga kasapi dahil sa kanilang pampulitikang paninindigan.

Nagtanghal din si Chickoy Pura ng 2 awit kasama ang “Rage” na nilahukan ng ilang lyrics mula sa klasikong kanta ni Bob Dylan na “Blowin’ in the wind”.

Tumayong tagatugon sa talakayan sina Dr. Roland Tolentino, dating dekano ng UP Mass Communication, hinggil sa academic freedom; Jan Michael Yap ng Computer Professionals Union kaugnay ng aspetong teknikal ng data security at panunupil; direk Joel Lamangan hinggil sa kalayaan sa pamamahayag; at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na nagtalakay hinggil sa amyenda ng Anti-Terrorism Law.

Nagsalita naman sa open forum si Jay Altarejos, direktor ng kontroberisyal na pelikulang Walang Kasarian ang Digmang Bayan na tinanggal sa listahan ng mga finalist para sa Sinag Maynila 2020 na pinamumunuan ni Brillante Mendoza, kilalang direktor at masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Teddy Casino, Movement Against Tyranny (Peter Joseph Dytioco)

Sinuma ni Teddy Casino ng Movement Against Tyranny ang talakayan sa panawagan ng pagkakaisa sa hanay ng mga artista, media practitioners at mamamayan upang labanan ang tiraniya ng kasalukuyang administrasyon.

Marahil ang pinakatampok na bahagi ng talakayan ang talumpati ni Bonifacio “Ka Boni” Ilagan ng Surian sa Sining at ni Direk Joel Lamangan. Anila, ang kalayaan sa pamamahayag at ang pagpapahayag ang kaluluwa ng demokrasya kung kaya’t dapat ipaglaban at hindi hayaang mamatay. Hinamon din ng mga naturang beterano sa paglaban sa diktadura ni dating Pang. Ferdinand Marcos na palakihin pa ang bilang ng napapalahok sa mga katulad na mga talakayan.

Tinapos ang naturang aktibidad sa sabayang pagbasa ng unity statement na inihanda ng mga organisador ng talakayan. Umaaalingawngaw ang panawagang “Defend press freedom!” at “Stop the attacks!”

Hangganan ng pakikipagkapwa

$
0
0

Sa wakas hindi na kailangang maghanap ng bootlegs para makapanood ng orihinal na produkisyong panteatrong Pinoy ngayong panahon ng lockdown. Ano man ang masasabi natin sa estado ng teatro at sining sa bansa, ano man ang puna natin sa labis na komersiyal na oryentasyon ng marami sa mga produksiyon ngayon, kapuri-puri ang ginagawang pag-upload ng iba’t ibang grupong panteatro ng mga video recording ng nakaraang mga produksiyon ng mga ito. Kung sino man nagpasimula nito (si Andrew Lloyd Webber yata) ngayong lockdown, maraming salamat.

Siyempre, kailangang sabihin: ibang iba ang karanasan ng panonood ng live theater sa panonood ng recording nito sa telebisyon o gaheto. Hindi ito kapalit ng panonood sa teatro. Pero kailan pa uli tayo makakabalik sa mga teatro? Kailan pa uli tayo aktuwal na magtitipon para kolektibong maranasan ang isang pagtatanghal? Kung may mga nanood sa YouTube ng video recording ng mga pagtatanghal na ito at nagkainteres sa teatro, malaking tagumpay na ito sa sining at sa hangarin nating magkaroon ng mas demokratikong akses at pagtangkilik sa teatro. Hindi na masama.

Hindi na masama na binigyan ng Resorts World at mga prodyuser nito ang masang netizens ng dalawang buong araw para mapanood ang Ang Huling El Bimbo, isang jukebox musical gamit ang musika ng ikonikong bandang Eraserheads noong 2019. Bagamat tinanggal na nila ang bidyo sa YouTube, tiyak na may nakapag-download na nito at lalabas at lalabas ang bidyong ito sa iba-ibang account. Malamang, malay sila sa katotohanang anumang content na lumabas sa Internet, kahit pa burahin ito ng orihinal na nag-upload, ay habampanahon nang nasa Internet.

Samantala, lalong hindi masama ang nauna nang pag-upload ng Dulaang UP sa mga bidyo ng ilang produksiyong panteatro sa naturang pamantasan. Kasama na rito ang pag-upload noong unang buwan pa lang ng lockdown ng bidyo ng The Kundiman Party na dula ni Floy Quintos at tinanghal ng UP Playwrights’ Theater. Nasa YouTube pa rin hanggang ngayon ang bidyong ito, kasama ang bidyo ng iba pang produksiyon.

Isang seksiyon ng populasyong Pinoy na nakakuwarantina ngayon ang odyens ng mga bidyo na ito: ang mga mamamayang may akses sa Internet at may sapat na interes rito para manood ng halos tatlong oras na bidyo. Sabihin na nating karamihan dito, iyung tinatawag na middle class: may natitirang ipon na panggastos o regular pa ring sahod para mairaos ang lockdown, at nagsusunog ng oras ngayon sa panonood ng Netflix o YouTube, abala sa Mobile Legends o iba pang online na laro. Pana-panahon, nag-aangas sila sa Facebook o Twitter hinggil sa estado ng bansa. Badtrip sila sa kalagayan natin ngayon. Madalas, sukdulan ang galit nila kay Duterte, at nag-ambag pa sa pagpapa-trend ng #OustDuterte sa Twitter. Woke, sabi nga.

* * *

Eksaktong sila rin ang sabdyek ng istorya ng Ang Huling El Bimbo (AHEB). Tatlong estudyante ng State U (hindi pa sinabing UP) sina Hector (Gian Magdangal), Anthony/AJ (Phi Palmos) at Emman (Boo Gabunada), noong dekada ’90. Roommates sila sa isang dormitoryo sa eskuwela (hindi po double deck ang mga kama sa Kalayaan, ha), nasabak sa ROTC, kumain at tumambay sa mga karinderyang “lutong bahay” sa Area 2, at nakaibigan ang isang kaedad na out-of-school youth na si Joy (Gab Pangilinan). Bilang magkakaibigan, nakaranas sila ng isang malagim na pangyayari, at dahil dito’y nagbago ang landas ng buhay na tinahak ng bawat isa.

Inilahad ang kuwento, sa isang bahagi, sa pamamagitan ng mga kanta ng Eraserheads. Sa kabuuan, nagtagumpay ang dula sa pagbabalanse ng tungkuling gamitin ang repertoire ng pinakasikat na bandang Pinoy (tiyak, may komersiyal na tulak ito) at mapaglingkod ang mga kanta sa pag-abante ng kuwento. Natural na ang puwesto ng mga kantang “Tindahan ni Aling Nena,” “Toyang,” “Waiting for the Bus,” at siyempre, “Minsan” sa tema ng puppy love at nagsisimulang pagkakaibigan ng tatlong estudyante sa kolehiyo – ganito rin naman kasi ang tema ng marami sa naunang mga kanta ng banda. Pati ang pagkamuhi ng Eraserheads sa ROTC at pormal na awtoridad (ang tanging rebelyon o aktibismo na hayagang tinindigan nila), may natural na puwesto sa kuwento ng mga kabataang nagrerebelde sa “andaming bawal sa mundo” (“Alapaap”). At dahil nasa State U, naisip marahil ng mga lumikha na hindi maaaring walang imahen o bahid ng aktibismo ang dula, kahit pa manipis o mababaw lang ito. “Edukasyon para sa lahat” ang plakard sa gitna ng numero ng mga kadete ng ROTC. Mababaw na aktibista lang si Emman, pinagsasabay ang “pag-ibig sa bayan” at “pag-ibig kay Mylene” at maraming puna sa “kilusan” na sa tingin niya’y “hindi maintindihan” ng masa.

Samantala, nagsilbing motifs sa iba’t ibang acts ng dula ang ilang kanta na tulad ng “Ang Huling El Bimbo,” “Alapaap,” “With A Smile,””Ligaya,” at “Tikman/Bogsi Hokbu” (nilapatan ng swing/Latin beat na bersiyon na napakahusay na pinangunahan ni Sheila Francisco). May mga kanta ring nagawan naman ng paraan na maisingit. Naging ekspresyong “surely” si Shirley sa kantang “Inlab Na Naman Si Shirley” (kinanta rin ng napakahusay na si Francisco), habang naging kanta para sa pagiging bakla ni AJ ang dating “Hey Jay”. Meron din namang mga kantang naipilit at pinanatili na lang ang lyrics kahit kaiba sa daloy ng kuwento: Hindi tagahugas ng pinggan ang drug runner/bagwoman na karakter (huwag nang pangalanan para walang spoiler), at mukhang hindi naman siya nasagasaan sa madilim na eskinita.

* * *

May maliit na kontrobersiyang nalikha ang pagpihit ng kuwento ng AHEB tungo sa mas madilim na mga tema ng pagkawala ng pagkabata, pandarahas sa kababaihan, korupsiyon at paggamit ng droga sa Act 3. Pero hindi ba’t may katulad na yugto ito sa karera ng Eraserheads, kung kailan tila nabawasan ang positibong pananaw o “ligaya” sa mga kanta nila? Pumalit dito ang irony at sinisismo sa mga kantang katulad ng “Spoliarium,” “Balikbayan Box,” at iba pa.

Sa karera ng Eraserheads, tila kinatawan ng State U ang yugto ng rebelyon at kawalang pakialam ng kanilang pagkabata. Maliban sa pana-panahong rambol ng mga fraternity, payapa at maligayang lugar ang Diliman kampus noong dekada ’90. Pero tumanda ang banda at lumayo nang lumayo ang mga miyembro ng Eraserheads sa pisikal at metaporikal na lugar ng Diliman. At ang kanilang mga kanta, dumilim nang dumilim. Isinalamin ito sa dula. Pagkatapos ng isang kagimbal-gimbal na pangyayari sa dati’y masaya at walang-muwang na buhay ng tatlong lalaking karakter at lalo na ni Joy, unti-unting nagbago ang lahat. “Dumilim ang paligid,” ani Joy, sa pagkanta ng “Spoliarium”. “Puwede bang itigil muna, ang pag-ikot ng mundo.”

Pero nagpatuloy ang pag-ikot ng madilim na mundo ni Joy, hanggang tumungo sa malungkot na kinahinatnan niya. Sinikap niyang magkaroon ng agency o kontrol sa kanyang mundo: itinigil ang pagpuputa matapos dumating sa buhay ang anak, at nagtangkang putulin ang ugnay sa pulitikong druglord (na dating ROTC kumander) na si Banlaoi (na malayo na sa persona ni Punk Zappa sa album na Circus). Pero tulad ng maraming biktima, ng pandarahas sa kababaihan, ng prostitusyon, ng nakakalulong na droga, hindi sapat ang indibidwal para makawala rito. Hinanap ni Joy ang solidarity (o pakikipagkapwa) ng tatlong dating kaibigan, pero nabigo siya. Ang trahedya ni Joy, hindi trahedya ng kawalan ng agency kundi trahedyang likas na iniluluwal ng sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng ating lipunan. Ang trahedya niya, iniluluwal ng katayuan niya bilang babae, at lalo na bilang maralita.

Maraming kahinaan si Joy, at isa na rito ang madaling pagkalinlang sa pantasya ng pag-ibig, hindi lang sa lalaki, kundi sa posibilidad ng upward mobility (o pag-angat sa kabuhayan) na kinatawan nina Hector, Emman at Anthony.

Sa kabila nito, hindi natin puwedeng sisihin ang biktima sa trahedyang ipinataw o ipinilit sa kanya. Sa kabilang banda, puwedeng puwede nating sisihin dito ang tatlong lalaki – silang sumumpa na magiging mabuting kaibigan, sumumpa pang mabubuhay sa diwa ng kalayaan. Hindi sila kaiba sa mga miyembro ng panggitnang uri na nagsasabing mahal nila ang kapwa, sumusumpa sa panata sa kalayaan at demokrasya, pero umaatras, bumabaligtad o umiiwas sa responsabilidad tuwing may malupit na sitwasyon o ginigipit.

Sa madaling salita, isang mapait na leksiyon ng pagkamakasarili ng petiburgesya, ng limitasyon ng pakikipagkapwa sa maralita ng panggitnang uri ang AHEB. Nakakagulat ito, dahil panggitnang uri ang pangunahing odyens nito sa Resorts World, at kahit sa YouTube. Kumbaga, isang malutong na mura (kasinlutong ng “tangina” sa “Pare Ko”) ang dulang ito sa mga walang gulugod sa panggitnang uri.

* * *

Hindi nakakapagtaka na direktor si Dexter Santos kapwa ng AHEB at “The Kundiman Party” (TKP), na nagkaroon din ng huling theatrical run noong nakaraang taon at naka-upload din ang bidyo sa YouTube. Kasama rin ni Santos na sangkot sa dalawang proyekto ang mandudulang si Quintos (manunulat ng TKP at dramaturg ng AHEB). Sa unang tingin, halos walang pagkakapareho ang dalawang dula. Pero kung pag-iisipan, makikita ang pagkakatulad ng dalawa sa tema.

Parehong komentaryo ang dalawang dula sa kabalintunaan ng kulturang “woke” o pakikilahok at pakikipagkapwa ng mga nasa gitnang uri sa malawak na masang inaapi ng sistema at naghaharing rehimen. Nakasentro ang kuwento ng TKP sa karakter ni Maestra Adela (Shamaine Buencamino), matanda at retiradong mang-aawit ng Kundiman, at kasamahan sa bahay na tatlong “titas of Manila” na sina Mitch (Jenny Jamora), Helen (Stella Canete-Mendoza) at Mayen (Frances Makil-Ignacio). Nagsimula ang kuwento sa pagdating ng binatang aktibista na si Bobby (Kalil Almonte) sa tahanan niya. Kasintahan din ng apo niyang si Antoinette (Miah Canton) ang binata. Kinapanayam ni Bobby ang Maestra hinggil sa nakaraan ng huli bilang mang-aawit sa mga rali noong panahon ng naunang diktadura. Walang alam ang Maestra na ia-upload ni Bobby ang bidyo ng panayam. Naging viral ito – at nagbukas ng oportunidad para sa muling pakikisangkot niya sa kilusan para sa pagbabagong panlipunan.

Hindi istriktong musical ang TKP, pero marami itong musical numbers – mga kantang Kundiman na tinugtog ng mapagbirong piyanista na si Ludwig (Gabriel Paguirigan), at inawit ng apprentice ng Maestra, ang apo niyang si Anoinette, gayundin ng dating estudyante at mahaderang soprano singer na si Melissa (Rica Nepomuceno). Di kailangang sabihin, pero napakahusay ng musical numbers na ito, lalo na noong ginamit na ni Maestra ang entablado sa social media para itanghal ang Kundiman bilang porma ng protesta sa kasalukuyang pasistang rehimen. “May isang request lang ako sa mga nagrarali,” sabi ni Maestra sa isa sa viral videos niya. Tantanan na raw ang pagkanta ng nakakasawang “Bayan Ko.” Marami pang ibang makabayang kanta na puwedeng awitin.

Bukod dito, kahanga-hanga ang mahahabang balitaktakan nina Maestra, ng mga tita, at ni Bobby, hinggil sa pakikisangkot ng isang alagad ng sining at ng isang miyembro ng panggitnang uri, sa makabayang kilusan. Pero lingid sa kaalaman nila, isang mahalagang leksiyon ang mga balitaktakang ito sa limitasyon ng pakikisangkot ng kanilang uri. Kahit sa social media, kung saan sumikat na ang Maestra, virtual o walang aktuwal na pisikal na pakikisangkot na kailangan. Umaabot ng daandaanlibo ang nakikinig sa kanya. Pero nakikinig ba talaga sila sa mga mensahe niya? Gaano kaepektibo ang ganitong paglahok niya?

Sangandaan sa pakikisangkot at pakikipagkapwa ng mga karakter ang aktuwal na pagdumog ng “trolls” o mga tagasuporta ng rehimen na nagsagawa ng riot sa labas ng bahay ng Maestra. Ginulpi ng mga ito si Ludwig – sa paraang maaalala ang sinapit ng progresibong musikero sa Chile na si Victor Jara.

Sa huli, napag-alamang anak ng isang senador si Bobby. Pinapili siya nito: bumalik sa ama, o mamundok. “Huwag (mo nang pag-aksayahan ng panahon) itong ginagawa mo,” sabi ng ama, patungkol sa pagtulong ni Bobby sa Maestra sa paggawa ng viral videos. Duda ang senador na ama sa pagiging epektibo ng mga porma ng repormistang protesta tulad ng protesta sa social media. Sa saloobin niya, sinikal din si Bobby. Pero hindi niya kayang mamundok. Pipiliin niya ang komportableng buhay sa piling ng ama. Samantala, ipagpapatuloy na lang ng Maestra at mga tita ang nasimulang paggawa ng viral videos na kritikal sa giyera kontra droga at sa kasalukuyang rehimen.

Walang paghusga ang dula sa epektibidad ng mapayapang reporma at adbokasiya para mapabuti ang lipunan. Wala rin itong husga sa limitadong pakikipagkapwa ni Maestra. Pero malupit ang husga nito kay Bobby. Sa simula, si Bobby itong mapanghusga sa Maestra na atubiling makisangkot. Dogmatiko at kaduda-duda ang mga pamamaraan niya para mapuwersa ang Maestra na maging pulitikal. Pero nang masaksihan nito ang aktuwal na pandarahas ng Estado at banta sa uri, bumaligtad siya sa aktibismo.

* * *

Wala namang sinasabi kapwa sa AHEB at TKP na masama na ang makipagkapwa. Kabaligtaran pa nga nito. Maaalala ang scripted na chat nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na nag-viral kamakailan. Tanong ni Bea: “Ako na ang tumulong, ako pa ang masama?” Sinagot siya ni Lloydie: Okey nga ang tumulong. Pero sapat ba ito? Paano kung wala na? Paano kung mawalan na ng panahon, rekurso o gana si Bea? Paano ba ang talagang pakikipagkapwa? Paano ba talagang nagbabago ng lipunan?

Sa gitna ng pandemyang coronavirus disease-2019 (Covid-19), ramdam natin ang pangangailangan ng pakikipagkapwa – sa anumang paraan at intensidad. Tatangkilikin ng mga maralitang nagugutom ang anumang tulong na iaabot sa kanila, mula mumunti at pansamantalang pagkain, hanggang impormasyong makakatulong sa kanila, hanggang maliit na suporta sa kanilang pangangailangan sa kalusugan. Kita at ramdam ang pagkamapagbigay ng mga mas nakakaangat-sa-buhay na mga nasa panggitnang uri. Pero alam natin: may hangganan ito. Gumagawa pa ng mga hakbang ang mga nasa kapangyarihan para mawalan agad ng gana ang middle class na tumulong sa mga maralita: ipinagbabawal ang solicitation nang walang paalam sa DSWD, ipinagbabawal ang mamigay ng relief goods nang walang permiso ng LGU.

Hindi masamang tao si Bea, sina Hector, Emman at Anthony, si Maestra Adela. Hindi masamang mga tao ang nasa panggitnang uri. Pero hangga’t nananatili silang nakakulong sa hangganan ng interes ng kanilang uri, limitado at may hanggangn din ang pakikipagkapwa nila. Mananatili ang kalakarang mapang-api kina Joy. Kaya nga, bagamat hindi tatanggihan o mamasamain ni Tiya Dely (Sheila Francisco) ang alok na tulong nina Hector, Anthony at Emman, duda siguro siyang tatagal muli ang pakikipagkapwang ito.

Gayunman, bukas ang kuwento sa anumang posibilidad. Sapat na ba ang sakripisyo at trahedya ni Joy para talagang magbago ang pag-iisip ng tatlo? Mahihigitan pa ba ni Maestra ang pakikisangkot niya? Tayong mga manonood na ang magsasabi at kikilos para maging posible ang mga ito.

Komiks comeback?

$
0
0

Ngayong panahon ng pandemya, malaki ang ambag ng sining para makatulong maintindihan ang mga isyung nakapalibot sa atin, mula sa nagtataasang bayarin sa kuryente hanggang sa karapatan sa malayang pamamahayag. Isa mga pinakasimple o popular na likha ang komiks, isang porma ng sining na mag-iisang siglo nang namamayagpag sa bansa.

Gamit ang pagtalakay sa mga bahagi ng komiks, subukan nating gumawa ng sarili nating bersyon.

Pamagat ng kuwento

“Kalabog en Bosyo” ni Larry Alcala. “Ikabod Bubwit” ni Nonoy Marcelo. “Batang Bangkusay” ni Pablo Gomez at Nestor Redondo. Ilan lamang ito sa mga pamagat na sumikat bago pa man nagkaroon ng selpon sa bansa. Ngayon, mas kilala na siguro ng mas batang mambabasa ang “Kiko Machine” ni Manix Abrera at “Pugad Baboy” ni Pol Medina. Ito na ba ang mukha ng makabagong komiks sa bansa? Puwedeng pagtalunan. Ang hindi maikakaila ay ang makabagong bigat sa bulsa na dala ng mga ito.

Sa pagtatala ng mga eksperto sa sining, nagsimulang lumipat ang base ng mambabasa ng komiks mula masa patungong gitnang uri noong 1990s. Mula sa mga palengke at estante ng diyaryo, nalipat sa de-aircon at may entrance fee pa na mga comics convention.

Marahil dahil sa kawalan ng comics convention ngayong may krisis pangkalusugan, o kaya naman dahil sa tumitinding panggigipit ng gobyerno, nakita natin ang pagdagsa ng komiks sa Facebook at iba pang social media.

Ilang halimbawa nito ang FB page na “Tarantadong Kalbo,” “La Historia Komiks,” at iba pa. Sa dalawang nabanggit na halimbawa, hindi na uso lagyan ng hiwalay na pamagat ang bawat bagong upload. Diretso agad ito sa tinututukang isyu. Mahirap na. Ilang kurap lang kasi at ibang imahe na ang bibihag sa atensiyon ng mambabasa.

Para sa komiks na gusto nating gawin, kailangan muna natin humanap ng tutok. Hinagpis ng mga OFW? Karahasan sa kababaihan? Pag-asa sa bayanihan?

Nakakatulong ang paglikha, at pagbabasa na rin, ng komiks sa pagproseso natin sa patong-patong na isyu ngayon. Nakakalunod ang iba’t ibang numero at datos. Sa komiks, puwedeng itampok ang isang sulyap sa danas o hinaing ng Pilipino.

Kuwadro

Hindi lahat ng nagbabansag komikero sa social media ay natutuwa sa paggamit ng komiks bilang pagsuri sa danas. Sa iba’t ibang FB group para sa mga lumilikha ng sining, may mga panawagan na “huwag gamitin ang sining para sa pampulitikang interes” kasi “dapat ang sining ay para sa kagalingan ng artist o katuwana”.

Sa madaling sabi, ang usaping lipunan ay iwan sa lipunan; huwag na ipasok pa sa kuwadro ng komiks.

Una, kasangkapan pa rin naman sa ilang komiks ang katatawanan. Tignan na lang halimbawa ang isa sa pinakabagong upload sa “Tarantadong Kalbo”: Imahe ni Duterte na isinasayaw ang kantang K-pop na “More and More” habang nagbabalak pang umutang muli.

“Walang sining na alang-alang sa sining lamang, isang sining na walang uring kinabibilangan, isang sining na hiwalay o malaya sa pulitika,” ayon kay Mao Zedong. Kung masusunod ang nais ng ilan sa gobyerno, pati ang simpleng linya na ‘yan ni Mao, puwedeng tawaging subersibo.

Panata naman ng ilang komikero, patuloy lamang nila itatala sa sining ang danas na ikinakaila ng estado. Sa bahaging ito, marapating planuhin ang lalamanin ng bawat kuwadro.

Larawan ng tauhan

Sunod naman ang pagpili ng punto de bista. Puno ang ating mga telebisyon ng imahe ng iba’t ibang opisyal na nagsasalitan ng anunsyo, na minsan hindi pa tugma. Nakakahilo. Lalo na kung magkakamukhang retiradong heneral ang nasa gabinete.

Sa komiks, napaglalaruan kung kaninong mata ang gagamitin para sa kuwento. Nariyan ang paggamit ng “La Historia Komiks” sa mga namayapang bayani. Si Manix Abrera, nilikha ang imahe ni Satanas na naghahanda ng espasyo para sa mga mapang-abuso.

Mula sa kapwa alternative media, nariyan ang Martin’s Perspective ni Dee Ayroso na nilalabas ng Bulatlat. Dito, tampok ang pusang si Martin.

Kaninong punto de bista pa ba ang hindi nagagamit? O kaya ay nawawaglit sa pagbabalita? Baka dito man lang sa sining, mabigyan sila ng puwang.

Lobo ng usapan

Malayo ang pananalita nina Tony Velasquez sa mga komikerong nasa social media ngayon. Minsa’y may bahid ng Espanyol at Ingles ang mga komiks noon, pero ang mga popular na bersyon, gumagamit ng Tagalog at iba pang wika sa bansa.

Noon, kapag sinabing salitang komiks, malapit sa masa. Ganoon pa rin kaya ngayon? Sa wikang sinasalita sa social media, sino lang ba ang hinahayaan natin makapasok sa usapan?

Para sa panghuling bahagi na ito, at hakbang sa ating pagkatuto, magandang tandaan ang gawain ng ilang progresibong grupo tulad ng Alay Sining. Upang makalikha ng sining na tunay na para sa masa, kailangan ang danas, pag-aaral, at pakikiisa.

‘Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan’

$
0
0

Iyan sa itaas ang katagang sinabi raw ng brodkaster at host na si Ariel Ureta sa ere noong Martial Law ng diktador na si Ferdinand Marcos noong dekada 1970. Paglalaro umano ito mula sa islogan ng Martial Law na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Dahil sa birong ito, ayon sa kuwentu-kuwento sa panahong wala pang social media, pinakulong ng diktador si Ureta at pinagbisikleta raw bilang parusa.

Siyempre, sabi ni Ureta sa isang panayam noong 2019, hindi ito totoo. Hindi niya sinabi ang katagang iyan sa ere, at hindi siya naparusahan dahil dun. Kinuwento niya ito sa isang kapwa brodkaster sa GMA-7 (nasa programang Twelve O’Clock High siya sa ABS-CBN bago pinasara ni Marcos ang huli nang ideklara ang batas militar). Kuwento niya, may batang nagkamali raw sa islogan ni Marcos. Iyung “disiplina” ginawang “bisikleta.” Kumalat ito, hanggang umabot sa Makalanyang, na aniya’y nairita sa biro kaya nagpakalat din ng fake news na kinulong daw nila si Ureta at pinarusahan ng pagbibisikleta — para magtanim ng takot sa mga tao na huwag gawing biro ang diktador at ang islogan niya.

* * *

 

Parang bumabalik tayo sa sitwasyong ito, hindi ba? Puwersahang tinanggal muli sa ere ang ABS-CBN. Mistulang batas militar ang nilagdaan ni Pangulong Duterte na Anti-Terrorism Act of 2020. Host pa rin si Ureta sa isang programa sa Dos. At ginagamit ang coronavirus disease-2019 (Covid-19) para idikdik ang ayon sa gobyerno’y disiplinang gusto nito — huwag umangal at sumunod na lang sa mga pulis, militar at awtoridad. Parang gulong ng bisikleta na paikot lang ang kasaysayan.

Sa totoo lang, hindi na nga disiplina ang kailangan. Bisikleta nga. Dahil sa pagbabawal ng gobyerno sa mayor na mga pampublikong transportasyon sa panahon ng general community quarantine (GCQ), biglang umusbong ang pagbibisikleta bilang mayor na porma ng transportasyon ng mga manggagawa patungo ng trabaho. Di uunlad ang bayan sa pagbibisikleta, pero kahit papaano’y maitatawid ang pangangailangan ng mga manggagawa sa transportasyon.

Tila naobliga ang National Task Force on Covid-19 at Metro Manila Development Authority (MMDA) na sa salita’y suportahan ang pagbibisikleta ng mga manggagawa. Pero bukod sa makipot at walang-proteksiyong “bike lane” daw sa EDSA na ginawa nito (hindi pa buong EDSA), walang malinaw na plano para sa imprastraktura na magsusuporta sa pagbibisikleta ang gobyerno. Kahit kaunting proteksiyon sa bike lanes ng EDSA, wala. Pana-panahon ang balita ng aksidente ng mga siklistang manggagawa sa EDSA. At iyung grupo pa ng mga bike advocates na gumawa ng sariling DIY imprastraktura sa Commonwealth Avenue, pinagbantaan pa ng MMDA na kakasuhan o pagbabayarin.

Noong nakaraang linggo, isang balita ang nagbigay-lawaran sa kung ano ang aktitud ng gobyerno sa pandemya at pagbibisikleta. Nabalita noon ang paghuli sa isa pang brodkaster at mamamahayag na si Howie Severino dahil saglit niyang binaba ang kanyang face mask para uminom matapos ang pagbibisikleta. Matapos mahuli, pinadalo siya sa isang seminar hinggil sa Covid-19 — ang mismong sakit na dinanas at nalampasan na niya noong Marso. Nanghuhuli ang mga pulis at awtoridad sa ngalan ng paglaban sa sakit — kahit pa hindi nito ginagawa ang matagal nang panawagang libreng mass testing sa populasyon na sinasabi ng mga eksperto na unang hakbang para masugpo ang Covid-19. 

May ordinansa raw kasi sa Quezon City na bawal ang walang face mask. Sa parehong lungsod, sa mga nagbibisikleta — mga nagdidiskarte ng sariling transportasyon kasi ipinagkait sa kanila ang mga jeepney — pinagbabawal na rin ngayon ang walang helmet. Multa hanggang kulong ang parusa, katulad ng di-pagsuot ng mask. Tulad ng pagpapaubaya (o pagpapabaya?) ng gobyerno sa mga Pilipino na tugunan ang pandemya (“mag-mask kayo, manatili sa bahay, magkuwarantina”), ganun din ang aktitud nito sa mga manggagawang nagbibisikleta. Parang sinasabi: Kayo lang, hindi ang gobyerno, ang may responsabilidad na harapin ang pandemya. Ang tungkulin lang ng gobyerno, manita at manghuli. 

* * *

Sa totoo lang, dapat naman talagang suportahan ang pagbibisikleta bilang isang moda ng transportasyon sa bansa. Sa maraming pag-aaral ng mga urban planner at eksperto sa transportasyon, sinasabing mahalagang bahagi ang pagbibisikleta sa dapat sana’y pagpaplano ng gobyerno sa mga lungsod para maging mas maka-kalikasan at mabawasan ang carbon emissions. Papainit na ang mundo, may climate change, at malaking bahagi sa paglaban dito ang pagtungo sa mga moda ng transportasyon na di naglalabas ng maruming usok (tulad ng mga kotse) o kaya’y nagbabawas ng usok, sa kalikasan.

Siyempre, bahagi ng sinasabing “intermodality” ng isang tunay na maka-kalikasan, episyente at abot-kayang mass transport sa bansa. Isipin mo: Nakatira ka sa Rizal o Cavite. May pampublikong tren (di tulad ng LRT o MRT na pinatatakbo at pinagkakakitaan ng malalaking dayuhang kompanya) na masasakyan mula rito hanggang EDSA. Dala mo ang folding bike mo. Mula sa estasyon ng tren sa EDSA, maaari kang mag-bike papunta sa lugar-trabaho. O kung walang bike o di kaya magbisikleta, may rapid bus transit (na pampubliko at di pribado) na maaaring masakyan papuntang trabaho. Bilang polisiya, hinihikayat dapat ng gobyerno na huwag nang gumamit ng pribadong sasakyan tulad ng kotse. Siyempre, mahihikayat lang ang private car owners na huwag gamitin ang sasakyan nila kung episyente o mabilis, malinis at abot-kaya ang intermodal na pampublikong transportasyon.

Sa mga lungsod tulad ng Los Angeles sa California, USA, at Beijing sa China, at siyempre, Kamaynilaan, malaking problema ang trapiko. Tinuturo ng maraming pag-aaral na ang paglaganap ng pribadong sasakyan ang dahilan ng trapikong ito. Kung may imprastraktura para sa pampublikong transportasyon ang lungsod at bansa (tulad halimbawa ng Amsterdam sa The Netherlands o Copenhagen sa Denmark na tinaguriang mga “Mecca” ng pagbibisikleta), tiyak na walang trapiko. Gaganda ang kalidad ng hangin sa mga lungsod na ito (LA, Beijing at Manila ang ilan sa may pinakamalupit na polusyon sa hangin).

Mahalagang bahagi nga ang pagbibisikleta sa pagpapaunlad sa kalidad ng buhay ng mga tao sa lungsod. Siyempre, maisasakatuparan lang ang magandang mass transport sa bansa kung maganda ang ekonomiya, hindi lang ng iilang elite at dayuhan sa bansa, kundi ng mayorya, lalo na ng manggagawa. Nangangailangan ng tunay na repormang agraryo na magpapalaya sa mga magsasaka para mapaunlad ang kanayunan. Kailangan ng pambansang industriyalisasyon na magpapaunlad sa batayang mga industriya na kailangan ng bansa para mapaunlad ang mga imprastraktura at serbisyo-publiko, at mabigyan sapat at nakabubuhay na trabaho ang mga manggagawang Pilipino. Kasama sa industriyalisasyon ang pagdebelop ng industriya ng bisikleta, na dapat ay may suporta ng gobyerno.

Lahat nang ito, pangarap pa lang na ipinaglalaban ng mga progresibo. Samantala, araw-araw, makikita ang laksa-laksang manggagawa, nagbibisikleta, sinusuong ang trapiko at panganib ng mga kalsada ng Kamaynilaan, para lang makapagtrabaho at makakuha ng kakarampot-na-nang suweldo. Hindi biro ang gumising ng alas-tres ng umaga, umalis sa bahay sa Rizal, Laguna o Cavite nang alas-kuwatro, magbisikleta hanggang makarating sa lugar-trabaho sa Kamaynilaan. Disiplina iyun ng manggagawa. Kailangan nilang gawin ito dahil walang silbi sa kanila ang gobyerno — panahon man ng naunang diktador o ng bagong usbong.

Disiplina nga ba kailangan? Mayroon na tayo niyan. Sa ikauunlad ng bayan? Rebolusyon ang kailangan.


Ngayon ang panahon, oust the fascist…Rage!

$
0
0

Tinutulan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang Anti-Terror Bill hanggang sa pagsasabatas nito bilang Republic Act No. 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020, nang pirmahan ni Pangulong Duterte noong Hulyo 3. Sa kabila ng pangamba ng posibleng pagpapatahimik ng gobyero, buo pa rin ang tapang at paninindigan ng mga tumututol sa naturang batas.

Maging ang mga musikero mula sa iba’t ibang eksena’y tila hindi mapapatahimik ng Anti-Terror Law. Sa pamamagitan ng paglikha ng musika at music video, idinaan ng naturang artists ang kanilang naging mabilis na paraan upang ipahayag ang paglaban sa anila’y tiraniya at pasismo.

‘Ngayon ang Panahon’

Sa pangunguna ng Alternatrip, isang lokal na music collective, inilabas nito ang kantang “Ngayon ang Panahon” kasama ang iba’t ibang musikero at artists mula sa lokal na indie music community. Isinapubliko ang kanta sa pamamagitan ng isang music video na nilahukan ng mahigit 60 miyembro ng iba’t ibang banda tulad ng Ang Bandang Shirley, Ciudad, The Purplechickens, Identikit, Oh, Flamingo!, Pastilan Dong!, Rusty Machines, Megumi Acorda, The Strange Creatures, We are Imaginary, The General Strike at marami pang iba.

Friends Of Alternatrip

Ayon sa grupo, ang naturang kanta’y anthem laban sa tiraniya at sa Anti-Terror Law. “Nananawagan ang ‘Ngayon ang Panahon’ sa mga mamamayang Pilipino upang kumilos at iparinig ang kanilang boses laban sa isang gobyernong naghahangad na supilin ang ating kalayaan sa pamamahayag,” ani Jam Lorenzo, kinatawan ng grupo at miyembro ng bandang The Geeks.

Kasama ni Lorenzo sa pagsusulat ng naturang kanta sina Ean Aguila ng Ang Bandang Shirley at si Rj Mabilin ng protest band na The Axel Pinpin Propaganda Machine na kamakailan lang ay naglabas ng kantang “Ano ang aming kasalanan?” na hinggil sa palpak na tugon sa pandemya, kriminal na kapabayaan, at pasismo ng kasalukuyang administrasyon.

“Ang pinakahuling mga pahayag ng mga tauhan ng gobyerno’y bumuod sa kinatatakutan ng mga nasa hanay ng creative at cultural industry.” Tinutukoy ng grupo ang pahayag kamakailan, hinggil sa Anti-Terror Law, ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na “Kung tahimik ka, ‘wag mabahala.”

Dagdag pa ng grupo, hayagang inaamin ng gobyerno ang intensiyong habulin ang mga kritiko nito. “Ang pagpapatahimik sa mga artist ay sumasalungat sa esensiya ng demokrasya at paglabag sa aming mga karapatan.”

Nakapaskil ang naturang music video mula pa Hulyo 9, na may 13,000 views, bilang bahagi ng segment na “Friends of Alternatrip” sa Facebook page ng grupo.

‘Oust The Fascist’

Isang kolaborasyon para sa music video naman ang ginawa ng mga punk sa loob at labas ng bansa, upang ipahayag ang paglaban at panawagan ng pagpapatalsik kay Duterte.

“Oust The Fascist” ang napiling kanta, bilang anila’y angkop sa kasalukuyang pampulitikang sitwasyon, ang ginawan ng sariling rendisyon ng mga miyembro ng mga bandang punk tulad ng Namatay Sa Ingay, Material Support, Anti-Suck System, New Fighting Task, Black Arts, at The Exsenadors.

Itchie and The Frenemies/Dirty Shoes Collective/CrazyDon’t Collective

“Ang naturang proyekto ng mga punk ay pagkondena sa paghihirap at pagdurusa, pampulitikang panunupil, paglabag sa karapatang pantao at pampulitikang pamamaslang, atake sa kalayaan sa pamamahayag at iba pang inhustiya sa ilalim ng apat na taon ng pasistang paghahari ni Duterte,” ayon sa Dirty Shoes Collective, grupo ng mga punk hinggil sa nasabing music video.

Orihinal na kanta ang “Oust The Fascist” ng Kadena, isang Filipino-American bandang punk sa New York na pinamumunuan ni Gary Labao. Naunang inilabas nina Labao ang kanta noong Setyembre 2019. Makaraan ng ilang buwan, inareglo ng ilang punk sa Pilipinas ang naturang kanta sa pangunguna ni Itchie Reyes (New Fighting Task/Anti Suck System) na siyang naging batayan ng kasalukuyang bersiyon.

Ayon pa sa grupo, kalahok ito sa isang online compilation album na “Know Your Enemy Vol. II” na lumabas noong Hulyo 18, ilang oras bago maging epektibo ang Anti-Terror Law. Ang nasabing compilation album ay tugon ng iba’t ibang banda at grupong punk laban sa patuloy na pananakot at pagpapatahimik ng administrasyong Duterte sa mga kritiko sa naturang batas. 

“Know Your Enemy Vol. 2”, isang online compilation album ng mga punk sa bandcamp

“Ang batas na ito ay yuyurak sa pundamental na mga karapatan at kalayaan, na maging ang pagsulat ng mga kanta, paglulunsad ng mga tugtugan at events, fundraising at pagbibigay at tulong sa kapwa ay ikikriminalisa bunsod ng mga malabo at malawak na depinisyon ng “terrorist act’,” sabi ng grupo.

Libreng i-download ang buong album ngunit may pay-what-you-can basis din. Anila, 100 porsiyento ng sales ay ilalaan bilang pondo para sa legal services, at kung sakali’y pampiyansa, ng mga punk, artists, o sinumang indibidwal na maaakusahang terorista sa ilalim ng Anti-Terror Law.

Giit nila, hindi terorismo ang kritisismo, paglaban sa inhustisya at pakikibaka para sa panlipunang pagbabago. “Kami’y hindi terorista. Hindi kami yuyukod sa pasismo. Tinatawagan namin ang aming kapwa-punk at mga artist na lumaban kasama ang mamamayan at patalsikin ang pasista.”

Rage

Tumampok naman ilang araw maisabatas ang Anti- Terror Law ang mga hashtag na “#rage”, “#soon” at “#musiciansfightback“ sa mga Facebook status ng mga musikero na tutol sa nasabing batas. Lumitaw din sa newsfeed noong Hulyo ang page na Rage PH na nagtataglay ng mga naturang hashtag at ang mga linya sa kantang “Rage” ng bandang The Jerks na kinatatampukan ni Chikoy Pura, beteranong musikero at aktibista. Kamakailan lang ay naglabas ang naturang page ng video teaser at iba pang pubmat na nagsasabing “Musicians Rage For Freedom of Expression” at “Rage With Us”.

 

“Ngayon ang panahon”

https://www.facebook.com/alternatrip.net/videos/1072483603153949

“Oust The Fascist”

https://www.facebook.com/DirtyShoesCollective/ videos/1182214282142230/

“Know Your Enemy Vol. II”

https://knowyourenemyvol2.bandcamp.com/album/know-your-enemy-vol-ii

Rage PH

https://www.facebook.com/ArtistsRagePH

‘Point of order, your honor’

$
0
0

Akala ng marami, bawal gamitin ang wikang Filipino sa Kongreso. Kapag may pulong ang komite o sesyon sa plenaryo, ang madalas na naririnig ay wikang Ingles. Ito ang pangunahing ginagamit ng mga mambabatas lalo na tuwing may debate o interpelasyon sa plenaryo.

Mali ba ito? Kung ang isang institusyo’y nagpapakilala bilang kinatawan ng mga mamamayang Pilipino, hindi ba’t akma lang na ang iba’t ibang wika ng bansa’y magkaroon ng silbi o papel sa loob nito? Na sa halip na wikang banyaga ang daluyan ng komunikasyon, wikang sarili ang prayoridad at may mga hakbang upang ang iba pang wika ng bansa’y ituturing bilang mga opisyal na wika tuwing deliberasyon sa Kongreso.

Subalit sinasalamin ng Kongreso ang nagpapatuloy na diskriminasyon laban sa pagtukoy sa wikang Filipino bilang wika ng mga edukado, propesyunal, at iba pang intelektuwal sa lipunan. Palibhasa’y pinamumunuan at pinamumugaran ng mga elitista na sanay sa paggamit ng wikang dayuhan sa kanilang pang araw-araw na transaksiyon sa opisina, negosyo o asyenda kaya may pagtingin na ang wikang Filipino’y hindi nababagay gamitin tuwing magkakaroon ng debate sa kapwa-mambabatas. Maaaring wikang Filipino ang bukambibig sa karaniwang mga usapan. Pero mabilis o awtomatikong napapalitan ito ng wikang Ingles kapag nakabukas na ang mikropono ng kapulungan.

Eh ano ba ang patakarang gumagabay sa Kongreso hinggil sa anong wika ang dapat gamitin ng mga miyembro nito?

Noong Agosto 16, 1988, nagtalumpati si Rep. Oscar Santos ng Quezon gamit ang wikang Filipino. Minungkahi ni Rep. James Chiongban ng South Cotabato na sa wikang Ingles magsalita si Santos. Ang sagot ng nagpapadaloy ng sesyon ay naaayon ang paggamit ng wikang Filipino bilang selebrasyon ng Buwan ng Wika. Tinanong ni Rep. Jose Yap ng Tarlac kung ito ba’y maaari ring gawin sa mga susunod na araw. At ang sagot ay oo, ang wikang Filipino ay wastong gamitin sa plenaryo.

Hindi ba’t kakatwa na kailangan pa ng opisyal na desisyon bago magkaroon ng kaliwanagan na nararapat lamang ang paggamit ng sariling wika sa Kongreso? At higit na kakatwa na sa bawat Kongreso ay laging may titindig upang magtanong kung nasa alituntunin ba ng institusyon ang pagsasalita sa wikang Filipino.

Maaaring isipin na tagumpay para sa pagsusulong ng wikang Filipino ang desisyong kumikilala sa kawastuhan ng paggamit ng wikang katutubo. Subalit bibihira ang mambabatas na mangangahas magsalita sa wikang Filipino sa plenaryo. Wala ring pagsasalin ng mga talumpati, buod ng mga debate, at panukalang batas sa wikang Filipino.

Noong 2 Mayo 1988, habang may interpelasyon sa pagitan nina Rep. Herminio S. Aquino ng Tarlac at Rep. Raul A. Daza ng Northern Samar gamit ang wikang Filipino, hiniling ni Rep. Antonio T. Bacaltos ng Cebu na isalin sa wikang Ingles ang kanilang usapan. Nilinaw ng nagpapadaloy ng sesyon na tanging mga talumpating binigkas sa wikang Filipino lamang tuwing ‘privilege hour’ ang pwedeng isalin sa wikang Ingles.

Samantala, nagkaroon ng kakaibang interpelasyon sa pagitan nina Rep. Celso L. Lobregat ng Zamboanga at Rep. Aleta S. Suarez ng Quezon noong Nobyembre 28, 2002 dahil nauwi ito sa paggamit ng wikang Cebuano Bisaya. Nagtanong si Rep. Raul L. Villareal ng Nueva Ecija kung ito ba ay tama at ang nakuha niyang sagot ay hindi, tanging wikang Ingles o Filipino lamang ang pwedeng gamitin ng mga mambabatas. Sa isang iglap, kung hindi man agad naunawaan ng kapulungan ang implikasyon ng desisyong ito, ay nawalan ng boses ang milyun-milyong katutubo at kahit ilang bahagi ng populasyon sa mga probinsiya na hindi pamilyar sa dalawang wikang nabanggit.

Mapapaisip tayo kung bakit sa kabila ng mabilis na pag-abante ng teknolohiya sa komunikasyon ay hindi nakabuo ang Kongreso ng programa kung paano isasalin ang deliberasyon sa plenaryo sa iba’t ibang wika ng bansa. Ilang dekada na itong praktika sa United Nations at puwede na itong gawin sa Pilipinas nang hindi mangangailangan ng malaking pondo o kumplikadong makinarya.

Ang laking pagkakaiba ng debate sa plenaryo at pagdinig sa mga komite kapag wikang Filipino ang ginagamit sa palitan ng mga diskurso. Mas ramdam ang emosyon, nakapokus ang atensyon ng mas marami, walang pagpipigil ng saloobin at iniisip, at tuwirang naipaparating ang mensahe sa publiko lalo na kung ito’y pinapalabas sa TV, radyo, o internet. Pero kadalasan, ang sesyon ay pinapaandar ng mga salitang tunog teknikal at dayuhan sa pandinig ng kamalayang Pilipino. Hindi rin kaaya-ayang pakinggan ang mga kalahok sa debate na tila humahabi ng mga argumentong walang salalayan sa rason o nagpapanggap na may alam sa sinasabi kahit baluktot na ang mga binibitawang salita sa wikang Ingles.

Hindi nakapagtataka kung bakit kaunti ang nagpapahayag ng interes kung ano ang nangyayari sa Kongreso. Bukod sa kontra-mamamayan ang karamihan sa mga batas na pinapasa rito, ang daluyan ng impormasyon ay sinasala ng wikang hindi mabilis na tumatagos sa pang-unawa ng publiko.

Hindi rin nakakagulat kung bakit napakadali para sa Kongreso ang maghain ng mga panukalang batas o resolusyong nagsasantabi sa wikang Filipino habang pinalalaki ang ambag ng wikang Ingles sa edukasyon ng mga kabataan. Ang ilan ay nagpapakalat pa nga ng lason sa kaisipan ng publiko tulad ng mga argumento na hindi pormal na wika ang Filipino dahil humihiram ng salita o kaya nama’y imposible itong gamitin sa pagtuturo ng agham at matematika.

Paano isusulong ang wikang Filipino kung ang mga kinatawan ng mamamayan ang mismong nangunguna sa pagpapababaw at pagpapalabnaw ng pagmamahal sa sarili nating kultura?

Wika at pakikibaka

$
0
0

Bisaya ako, Ilongga mula Negros Occidental. Produkto ako ng pagtuturo gamit ang wikang ito sa Grade 1 at 2. Ibig sabihin, Hiligaynon ang pagtuturo sa amin at Ingles bilang pangu-nahing medium of instruction mula Grade 3 hanggang college.

Pero ang aking disertasyon para sa aking PhD sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay isinulat ko sa Filipino: Ina, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Panahon ng Kolonyal ng Paghahari ng Amerikano: 1901-1941.

Paano ang isang lumaki sa Ilonggo at sa Ingles ay makapagsulat ng disertasyon na magiging libro sa Filipino? Susi ang pagkikilahok ko sa kilusang mapagpalaya mahigit nang 50 taong nakaraan. Oo, bahagi ako ng henerasyon ng Unang Sigwa ng 1970 o First Quarter Storm of 1970, ang makasaysayang kilusang masa na itinuturing na Ikalawang Kilusang Propaganda.

Ang Unang Kilusang Propaganda ay ang malawakang paglantad ng pang-aapi at pagsasamatala ng kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan mg mga akda nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Juan Luna, at iba pang makabayang nagmulat sa mamamayan kabilang na sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Gregoria de Jesus, Teresa Magbanua at libu-libong iba pa para ipaglaban ang pambansang kalayaan at demokrasya laban sa kolonyalismong Espanyol.

Sa Ikalawang Kilusang Propaganda, mahalaga ang ugnayan ng wikang Filipino at ng kilusan sa panahon bago ideklara ang batas militar.

Lumaganap at yumabong ang wikang Filipino sa paglaganap at pagyabong ng pambansa demokratikong kilusan sa ating bayan. Ganoon din, lumaganap at yumabong ang pambansa demokratikong kilusan habang ipinalalaganap at pinayayabong ang sariling wika.

Filipino ang lengguwahe ng mga rali, discussion groups o DG, teach-ins, mga pagtatanghal sa kalye o sa mga teatro, mga awit, mga tula, mga manipesto.

Napakahalaga ng wikang sariling atin para maabot ang nakararaming mamamayan: mamulat, maorganisa at mapakilos. May ilan akong ibabahaging repleksyon sa wika bilang wika ng pakikibaka.

1. Ang wikang Filipino ay naglantad sa kabulukan ng lipunan at sa pag-uugat ng mga araw-araw na suliranin ng mamamayan; kahirapan, korupsiyon, mababang suweldo, kawalan ng lupa. Iniugnay ito sa batayang problema ng bayan.

Kaya dumadagundong ang Plaza Miranda, mga lansangan patungong Mendiola o US Embassy o ang paligid ng Plaza Moriones sa Tondo ng mga sigaw na “Imperyalismo, ibagsak! Pyudalismo, ibagsak! Burukrata kapitalismo, ibagsak!” at “Marcos, Hitler, Diktador, Tuta!” bilang paglalantad kay Marcos bilang pangunahing tagapagpatupad ng mga patakarang antimamamayan. Hindi simpleng mga islogan o panawagan ito. Malinaw na iniugnay ang mga ito sa araw-araw na karanasan ng taumbayan.

2. Nilinaw din sa mga pahayag at mga pagtitipon ang solusyon: pambansa demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Mahigpit na inugnay ang ganitong solusyon sa rebolusyonaryong tradisyon ng ating bayan at sa pagpapahalaga sa kasaysayan.

3. Napakahalaga ng sariling wika para mapag-isa ang mga manggagawa, magsasaka, estudyante at mga propesyunal na sa nakaraan ay watak-watak bunga ng katayuang pang-ekonomiya at panlipunan na lalong pinatibay ng pagkakaiba ng lengguwahe.

Ingles sa maykaya, Filipino sa anakpawis. Wika ang tumulong sa pagbigkis sa atin at nagdiin sa kahalagahan ng mahihirap. Nasalamin ito sa awit na “Manggagawa at Magbubukid, binubuo ng kawal ng bisig”. At ang kailangang pagtalikod sa kinamulatang prebilehiyo para sa mga maykaya nang kaunti ang kantang “Tamad na burges na ayaw gumawa / sa pawis ng iba’y nagpakasasa / pinalalamon ng manggagawa, hindi marunong mangahiya.”

4. Mahalaga rin ang wika sa pagmulat sa kababaihan. Makibaka, ang Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan, ang organisasyon ng kababaihan at popular ang awiting “O babaeng walang kibo” na ang mga panghuling saknong ay “bakit hindi ka magtanggol / may anak kang nagugutom / bunso mo ay umiiyak / natitiis mo sa hirap. / Ano’t di ka magbalikwas / kung ina kang may damdamin at paglingap.”

Iginuhit ang larawan ng bagong kababaihan, di kimi o biktima kundi kakapit-bisig ng kalalakihan sa pagbabago ng lipunan.

Sa sunud-sunod na mararahas na pagsupil sa mga pagtitipon ng mga mamamayan, sa pagsuspinde ng writ of habeas corpus noong 1971, malinaw na pasismo ang tugon ng nasa kapangyarihan sa hinaing ng bayan.

5. Kaya ang sariling wika ay wika ng pagtindig at paglaban. Mga akda ng mga tulad ni Ka Amado Hernandez ang nagpaalaala sa atin na may katapusan ang pagluha. Sa tulang “Kung Tuyo Na ang Luha Mo. Aking Bayan”: “May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo / May araw ding di na luha ang dadaloy sa mata mong namumugto, kundi apoy at apoy na kulay dugo / Samantalang ang dugo mo’y aserong kumukulo / Sisigaw ka nang buong giting sa liyab ng libong sulo at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!”

6. At ang wika ng paglaban at pagtindig ay malinaw sa mga panawagang: “Makibaka, huwag matakot! Anong sagot sa martial law? Digmaan, digmaan, digmaang bayan! Mangahas makibaka, mangahas magtagumpay!” ang naging mahalagang gabay ng libu-libong mamamayan nang idineklara ang batas militar noong 1972.

Halos 14 na taon na buhay at kamatayang pakikibaka ang hinarap ng makabayang mga mamamayan pero tulad nang ipinakita ng kasaysayan, may katapusan din ang paghahari ng diktadura.

Tanganan natin ang diwang “Mangahas Makibaka, Mangahas Magtagumpay!”


Featured image: Mural hinggil sa Diliman Commune ni Leonilo Doloricon. Matatagpuan sa Quezon City Hall

Ang pagbabalik ng heneral

$
0
0

Nasa dulo na ng kanyang buhay, sa edad na 79, may sakit na tuberkulosis, si Paciano Rizal.

Heneral ng rebolusyong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol hangang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano si Paciano. Pero sa atin, sa karamihang Pilipino na mapalad pa siyang makilala sa pag-aaral at sa mga pelikula, siya lang ang kapatid ni Jose Rizal. Siya ang nakatatandang lalaking kapatid na nagpaaral kay Pepe, nagmulat sa kanya sa brutal na pamumuno ng mga Espanyol, at naging masugid na tagasuporta ng Pambansang Bayani tungo sa landas ng pagsusulat, pagkakabayani, at pagkamartir.

Sa huling mga araw ni Paciano, bayani ng rebolusyong Pilipino, pinili niyang kausapin sa kanyang guni-guni ang mas bantog na bayaning kapatid. Marami siyang tanong. Ikinuwento niya ang maikling kasaysayan ng bansa matapos ang pagkamartir ni Pepe. Ibinuhos niya ang kanyang galit at pagkasiphayo sa guni-guning engkuwentro sa nakababatang kapatid. Bakit pinili mong magpakadalubhasa at magpakatalino, at mag-aral sa ibang bansa, na para bang may pinatutunayan ka sa mga Espanyol? Bakit kailangan pang ipakita na kayang tapatan ang talino at pagiging “sibilisado” ng mga dayuhang mananakop para masabing karapatdapat ang mga Pilipino na mapalaya? Bakit, sa kabila ng mga sakripisyo at pakikibaka, laging sawi ang mga Pilipino – sa mga Espanyol at Amerikanong mananakop, at sa lokal na mga naghaharing uri na taksil sa kapwa Pilipino? Bakit?

Maraming tanong si Paciano sa kanyang kapatid. Samantala, sa pagitan ng paghihinagpis ng Heneral, ipinapakita ang imahen ni Pepe. Siya rin, bagamat tahimik at tila nakikinig lang sa nakatatandang kapatid, napapaisip sa kanyang landas na tinahak. Binisita niya ang mga hardin, rebulto, at makasaysayang mga lugar ng kanyang pagkamartir sa Intramuros. Para saan ang mga ito? Sa huli, sa huling sandali ng monologo ni Paciano, nagpasya na ang guni-guning Jose Rizal: Kung buhay siya ngayon, kung buhay siya sa panahon ng pandemya, panahon ng panunupil at pagsasamantala, panahon ng pasismo ng rehimeng Duterte, kabahagi siya sa paglaban dito. Sa kabila ng mga restriksiyon – ng oras, ng pandemya – kalahok siya sa mga protesta.

Si Nanding Josef, bilang Heneral Paciano Rizal.

Ang maikling pelikulang Heneral Rizal, ginawa sa panahon ng pandemya, ng mga artista ng Tanghalang Pilipino, ay kathang-isip na monologo ni Paciano kay Pepe. Pagsisikap itong pag-ugnayin ang kahalagahan ng Pambansang Bayani sa kasalukuyang reyalidad, habang kinukuwestiyon ang ilang pinili ng landas niya at ng mga katulad niyang ilustrado. Sa monologong ito, malupit si Paciano sa kanyang kapatid. Galit siya, hindi niya mahinuha ang katwiran sa likod ng ilan sa mga desisyon at adbokasiya ni Pepe, lalo na ang repormistang pagtaguyod sa edukasyon at pagbibigay-dangal sa lahing Pilipino.

May karapatan tayo sa lupang tinubuan, ani Paciano, ano pa man ang ating antas ng pag-aaral at kasanayan. Kung maaga lang sanang napagtanto ito ni Pepe, marahil, iba sana ang naging landas ng lumang rebolusyong Pilipino: hindi nagsimula sa paggiit ng mga reporma sa kolonisador, kundi sa paggiit sa batayang mga karapatan ng mga Pilipino. Iniugnay ni Paciano ang orihinal na kasalanang ito ng mga repormista sa naging kolaborasyunismo ng sumunod na henerasyon ng mga ilustradong naging naghaharing uri na matapos mapatalsik ang mga Espanyol. Dahil nagkaroon na ng lugar sa mesa ng mga imperyalista, mabilis na tinalikuran ng mga ilustrado ang pangarap ng malayang bansa, at isinuko ang kabisera ng bansa sa bagong mga mananakop na Amerikano.

Iniugnay ni Paciano ang pagtataboy ng 300 magsasakang Pilipino sa Calamba, kabilang ang kanyang mga magulang, ng mga Espanyol mula sa kanilang mga lupain noong panahong nag-aaral sa Europa si Pepe, sa patuloy na kawalang-lupa ng mga magsasaka ngayon. Ikinalungkot niyang hindi na nakapagsalita si Pepe hinggil dito, hindi na naging bahagi sa paghahangad ng lupa para sa magsasaka, ng pagpapalaya ng maralitang magbubukid mula sa pagkaalipin sa ilalim ng piyudalismo.

Masidhi ang galit ni Paciano at marami siyang tanong. Pero ang maikling pelikula mismo, hindi nagpakasapat sa galit at pagtatanong. Sa pamamagitan ng imahen ng guni-guning Pepe, dinirehe ang galit ng manonood tungo sa kasalukuyang paglaban sa pasismo sa panahon ng pandemya. Sinagot nito ang mga tanong ni Paciano sa pamamagitan ng pag-ugnay sa pagkabigo ng lumang rebolusyon sa nagpapatuloy na rebolusyong Pilipino – na humaharap sa kasalukuyang mukha ng kolaborasyon sa mga mananakop (mga Amerikano pa rin, at mga Tsino), at hitsura ng panunupil at pagsasamantala ng mga naghahari ngayon sa karamihang Pilipino.

Sa huli, inanunsiyo ng maikling pelikulang Heneral Rizal na “babalik ang heneral”. Mainam ito, kung ang plano’y palawigin pa ang ideya ng pelikula na pagsasalaysay ng kuwento ng tila-nakalimutang-bayani na si Paciano. Pero mas mainam kung ang ibig sabihin nito’y madidirehe na ni Paciano ang kanyang galit tungo sa kasalukuyang paglaban, at makikita ang sagot sa kanyang tanong sa kasalukuyang kilusan. Mainam din kung ang tinutukoy na Heneral Rizal sa dulo ay hindi na lang si Paciano, kundi ang Pambansang Bayani, na ipinapalagay na kung naitakas lang sana siya sa pagkakabilanggo noong naaresto sa Maynila, taong 1896, ay naging heneral na sana ng rebolusyong Pilipino.


Mapapanood ang Heneral Rizal sa YouTube, sa channel ng Tanghalang Pilipino, o sa URL na ito: https://www.youtube.com/watch?v=T1IEq3GlkR4

True to himself and others

$
0
0

On August 20, 2020, in an almost bare room in an ordinary house in Dasmarinas, Cavite, a small but brilliant light went out and the world was made more unhappy because of it. On that day, underground street artist, everyday philosopher and activist Pong Para-Atman Spongtanyo died. He was 35 years old.

Heyres aka Pong (From Christine Nierras Cruz’ Facebook post)

Born Gutson A. Heyres, Pong was not part of the section of local Filipino painters and graphic artists who were covered by art magazines or who opened exhibits in shiny galleries with gleaming surfaces and walls.

As a street artist and activist, his work found audiences among the urban poor, street children, commuters on the way to and from work. Various dingy or decrepit walls in Cavite, Quezon Province, and Metro Manila have become canvasses for his art, and while some might consider the murals as acts of vandalism, it’s impossible to dismiss them simply as such because of the evident skill and insight that went into their creation.

As a human being, he made many friends and touched countless lives through his generosity with his art, and his time. He was born poor, by all accounts lived simply and with humility; and now in the wake of his passing, the wealth of his kindness is revealed as hundreds express deepest grief.

Lived on the streets, gave back to communities

One of Pong’s works. (From Oblack Herb’s Facebook post)

Like many of the things that shaped his awareness, Pong learned to paint from people he’d met and the different environments he found himself in as he was growing up. This was, as fellow artist Buen Abrigo explained, because Pong practically grew up on the streets.

 “He left home when he was a teenager – he didn’t even finish high school. He came from a poor family, and I guess he felt that the only way to solve the problems he and siblings experienced because of their extreme poverty was to leave and strike out on his own,” he said.

Buen said that when he first met Pong in 2007, the latter was working on a street mural and he was scrawny, dirty-seeming, and sat on a wheelchair. It turned out Pong had just been released from the hospital and was not strong enough to walk.

“But even back then it was impossible not to see how talented he was – the way he wielded that brush, the way the images came out slowly on that wall, it was clear he had a gift. It was very raw skill because he didn’t have any formal art training from school or any institution. He learned from other artists, from craftsmen he made friends with. He believed in the DIY culture, and he was a quick learner,” he said.

Coming from a recipient of the Thirteen Artists Awards by the Cultural Center of the Philippines like Buen, this was real praise.

Buen said that up until that time in 2007 when they first met, Pong had been living in an urban poor community where it was really dirty – no access to running water. “Talagang dugyot,” he said.  Buen theorizes that it was probably there that Pong fell into unhealthy habits, but the kind that no one willingly acquires. Because of  poverty, Pong did not get enough food or nutrients, and the lack of access to basic social services left him with poor health and hygiene.

“He didn’t smoke, he wasn’t much of a drinker, and he certainly didn’t do drugs. He was just generally unhealthy. He was skinny, and through the years he just became thinner.  I think it’s safe to say that many of us – his friends, fellow punks and anarchists he worked with in his group “Food Not Bombs” and the other organizations he connected with – were always concerned about how he was doing health-wise,” he said.  “Parang will na lang talaga niya ang nagpapagaling sa kanya noon.”  (“It was his will that helped him recover from his illness.”)

Art as social commentary

Healthy or not, Pong up until the time he died was a very prolific artist, drawing almost non-stop on public walls, on pieces of paper, on cardboard and other found objects. Sometimes he sold his drawings and ketches for a shocking P150 each (“Pambili ng bigas!” was his caption to some of them when he posted pictures on his Facebook page). His most creative work, however, can be found in the magazine (or zine, as the independent, underground movement of alternative artists call them) he regularly produced called “Art-Writist.”

(Photo: Makó Micro-Press)

In Art-Writist, Pong poured out his ideas, emotions, and insight on various issues ranging from urgent social concerns to the mundane. Each page featured scribbles and complete drawings that revealed that the writer and artist referred to in the title of the zine can also be said to refer to his arthritis, a condition he had had for the longest time in his short life.

The images Pong drew reflected his views of Philippine society and how he felt about them. Smiling, round-eyed children and the can-barely-be-called-houses of the urban poor are featured prominently in them, as well crows and other carrion birds that can be interpreted as symbolizing the social system that feed off the suffering and the death of others. He also rendered images of grief and despair caused by drug-war connected or deliberate political killings  – bullets raining and falling to the ground then gathered by children in cracked rice bowls; mothers weeping in despair over what has been taken from them (homes, children, husbands, dignity and the right to live in peace).

In July of 2019, Pong and Buen had an exhibition in Kanto Artist-Run Space, a small but popular among activist circles gallery in Makati. Along with members of the artist group SIKAD, they promoted the rights of the urban poor to decent housing and social welfare services through their individual and collective pieces titled “Nasa Puso ang Sitio San Roque.” 

Sitio San Roque is a sprawling community of workers, vendors, and informal settlers in Quezon City a stone’s throw away from City Hall. For almost a decade, residents had been fighting attempts of business and commercial interests aided by the local government to have their homes demolished to make way for a condos, malls, and other business establishments.

Through line drawings on bond paper, Pong depicted the life and struggle of the residents both with skill and compassion.

Development aggression was also a theme Pong focused on – images of Lumad women and farmers amidst fallen trees, or mountain ranges and expanses of agricultural fading away or violently crumbling against a backdrop of bulldozers and giant earthmovers.   

As for his writing, his Facebook posts were often comprised of a few lines of pointed social commentary:

In April:

Buong mundo,

“nasyon,”

Sa PPE may kakulangan

Sa bala at bomba

Sobra-sobra

Earlier on March 12, a few days before the whole of the National Capital Region (NCR) and nearby provinces were put under lockdown:

Wala akong kinalaman dyan…

Nakita ko lang…

“Epidemics are more likely to grow in an authoritarian society.”

He criticized the government’s Build-Build-Build program and said that instead of promoting progress, it was “progreed” and was essentially all about “kill-kill-kill”.

And among his last posts was his condemnation of the extrajudicial killing of human rights workers and activists:

“Yung mga tumutugis sa mga naghasik ng lagim,

Pinagbibintangang naghahasik ng lagim,

Kontra-lagim, palpak.”

“Bili na kayo. Panglockdown lang po.”

Finally, Pong also shared and reposted the work of fellow artists and friends, generously endorsing them and their projects. He himself showed no indication of being interested in building a portfolio or having his own work out on display in galleries: he was happy  just creating art. Whenever he got paid, it was often in kind; in one memorable occasion, he exchanged original stencil patches he made for bananas, the saba variety. He drew portraits for friends and neighbors for practically nothing.

What is noticeable, however is that Pong seldom if ever, referred to his own suffering.  Apart from the occasional post written with self-deprecating humor wherein he asked followers to buy his paintings for P150 each (“pambili ng bigas”), Pong did not ask anyone for help, neither did he give a clue as to his own difficulties.   Because of the quarantine, he had means of earning, and without income, he could not feed or take care of himself properly as his health condition needed him to. Instead of posting updates on his own plight, he shared stories of other people needing funds for food or for medical needs.  Even then, during the early days of the pandemic, his health was already beginning to fail. 

A victim of the lockdown

Pong (right) with friend, Italo Ramos Lambito.

By early July when the quarantine lifted and travel became easier, a friend visited him in the second floor of a closed bar in Dasmarinas, Cavite where he had been allowed to stay by other friends when the Covid-19 lockdown started. They took one look at him and immediately launched an online appeal for financial support. Pong, they saw, severely dehydrated and looked emaciated and gaunt. They brought him water and other hydrating liquids. With the money that quickly came in from all over the country, they also got him groceries, vitamins, an electric fan, and an electric stove.  

Fellow Food Not Bombs member Italo Ramos Lambito was among the few who saw Pong in his final days.

“When I was finally able to see him when the quarantine restrictions eased up, he had really fallen ill. His arthritis had always been bad, but during the lockdown it worsened and his potassium levels crashed.  He had extreme difficulty walking, and he became dehydrated.”

“It was hard for us to take better care of him because of the pandemic health and safety restrictions. We took him to a total of five hospitals – but none of them admitted him. The doctors took one look at him and said ‘no’. In one case, the hospital said it would take him in, but he would have to be placed with PUI (persons under investigation for Covid-19) patients even though he didn’t have symptoms of Covid-19. We had no choice but to take him home,” he said.

Because of the travel restrictions – particularly strict in Cavite — it was impossible to have him taken to Manila or transferred to the house of his brother or to his mother’s house in Bagong Pangarap in Dasmarinas. Instead, Italo and other friends found an apartment for him in Cavite and shouldered the rent. They made arrangements among themselves on how they would take care of Pong.

Sadly, it was all too late.

A lotus flower on trash heap

In a recorded interview with an artist group, Pong himself explained the work he believed in as a member of Food Not Bombs and as activist artist.

“We’re all about taking positive action, organizing people, cooking food, and feeding those who don’t have it,” he said.

Twice a month, the group secured donations and cooked vegetable meals and held art workshops in communities all over Southern Tagalog. Many of those who went were children and out-of-school youth. Pong was as eloquent about the work he believed in as he was passionate.

“We want to show that there’s happiness in sharing and in working for peace, and nothing to be gained from the terror and horrors of war. It’s important to

Roman Soleño’s tribute portrait for Pong

spread the values of love and unity, mutual aid, and taking initiative to help others. Equality and social justice are important. We can protest against unjust wars by helping each other,” he said.

In another video, Pong explains why he does street art.

“When people see my work, they will remember that there are so many problems, but they will also realize that are also solutions. They are the ones who are affected by the problems, but they will also benefit from the solutions. This is why they need to be involved in what happens in society, in the lives of others We are all connected to one another,” he said.

It is this and other similar beliefs that earned Pong the respect of people – even those who had just met him.

One of Pong’s friends, Soik Keeh Phrenia, shared that in 2019, he worked with Pong painting a studio, and in that in that span of time, he learned so much from the latter – not only about art skills, but about compassion and friendship. Pong, he said, was an insightful person, and kind with his solicited advice.

“Para sa akin, siya ay isang lotus flower na nilagay sa isang tambakan ng basura:  kahit ganun ka-polluted ang siyudad, physically at spiritually, busilak pa rin ang puso’t kaluluwa ng kaibigan kong ito. Wala na si Pong, pero di siya mawawala sa puso ko, at sa mga puso ng mga taong nagmamahal sa kanya!”

(“He was like a lotus flower that grew on a garbage heap; despite the city being so polluted and corrupt, my friend remained pure at heart and in spirit. I am so grateful that I met someone like Pong. He’s gone, but he will always be in my heart and in the heart of the people who loved him”).

Italo said that hands down, Pong was a good person. “He always thought of others ahead of himself. He was the one who convinced us to activate the Food Not Bombs chapter here in Cavite. He was one of the pillars of the punk movement in Dasmarinas, and popularized graffiti and street art. Even when he was experiencing health issues, he still went with us to distribute food and fold workshops in communities,” he said.

“Sa buhay ko, nagpapasalamat ako na nakilala ko si Pong. Siya ang naging tatay, kuya, kapatid, guro namin dito. Siya nagbigay ng kulay sa eksena dito sa Cavite. He was a great friend,” Italo said.

Rest in Power, Gutson A. Heyres,  or as he was known and loved to all who knew him using his derived from Sanskrit name – Pong Para-atman Spongtanyo.  You were always true to yourself and others.

Viewing all 164 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>